Chapter 14

21.6K 428 26
                                    

NAPAGISIPAN ko na lasagna na lang ang iluto kay DJ tutal mahilig naman siya sa meat at ako naman sa pasta. Mabuti na lang din at natuto ako na magluto dahil kay Yaya Ellen, at ang lasagna nga ang isa sa mga dishes na gusto kong ginagawa.

“Ano ba mga hilig mong pagkain?” tanong ko kay DJ habang naglalagay ako ng mga layer sa container ng lasagna habang siya naman nakaupo lang sa harap ko sa kabilang side ng island counter at pinapanood ako sa ginagawa.

“Basta meat gusto ko, pero favorite ko ang corned beef rice.”

“Cute.”

“Uyy narinig ko yun sabi mo cute ako.”

Inirapan ko siya, “Yung favorite mo ang cute hindi ikaw.”

“Kunwari ka pa, aminin mo na cute ako.”

“Ang yabang.” Inirapan ko siya.

“Hindi mayabang ang pagsasabi ng totoo.”

Umirap ulit ako sa kanya, “Whatever.”

“Irap ka pa halikan kita dyan eh.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, “W-what?”

He’s smirking at me nagtaas pa ng dalawang kilay.

Iirap sana ulit ako ng ma-realize ko ay tinakpan ko ang mga mata ko. “Kainis ka!”

“Iirap pa kasi.”

“As if naman gagawin mo.”

“Ayaw mo yata maniwala.” Tumayo siya at umikot sa gawi ko.

“Hep! Naniniwala! Hindi na nga eh.” Itinaas ko ang dalawang kamay ko para pigilan siya sa dibdib.

Hinawakan niya lang ang dalawang kamay ko, napapikit ako ng madiin ng lumapat ang labi niya sa pisngi ko.

“Warning lang.” bulong niya tsaka bumalik sa pwesto niya.

Nag-init ang pisngi ko sa ginawa niya pero siya tatawa-tawa lang habang pinapanood ako.

“Tse! Ewan ko sayo!”

Itinuloy ko na lang ang paglalagay ng stack ng lasagna habang siya tahimik na lang din na nanuod habang nakapangalumbaba, nang mailagay ko sa oven ang lasagna ay hinarap ko siya.

“DJ.”

“Hmmn?”

“Why did you get mad at Jared? Dahil ba natalo kayo?” kanina ko pa gusto itanong sa kanya iyon, parang masyado kasing mababaw na dahilan kung dahil lang sa pagkakatalo nila.

Umiling siya, “Ginawa ko lang yun para magising siya, ayoko lang na ipunin niya sa loob niya yung nararamdaman niya. Mahirap iyon, nagawa ko na dati yun I keep it inside para kang patay na buhay ayoko lang na mangyari rin sa kanya.”

Napaisip ako, he’s right parang wala nga sa sarili kanina si Jared gumagalaw siya pero wala siyang reaction nagkaroon lang siya ng buhay ng suntukin siya ni DJ.

But what caught my attention was what he said na nagawa din niya yun. What is it? I was about to ask him ng biglang may ingay na umagaw ng pansin namin.

“Waah! Ang bango naman nun.”

“Nakakagutom!”

Pumasok sa kusina si Marc at Albert kasunod sina Miles at Julia pinakahuling pumasok si Jared na kahit may namumuong pasa sa pisngi ay somehow ay nakangiti na. Dumiretso siya kay DJ at nag-fist bump sila and just like that parang nawala na rin yung tension sa kanilang dalawa kanina sa gym.

“Bakit ba nandito kayo?” inis na tanong ni DJ.

“Makikikain lang, wala nanay ko sa bahay walang pagkain.” Naupo sa tabi ko si Albert.

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon