Chapter 37

26K 410 29
                                        

“TEH! Halika na!” hinila agad ako ni Miles pagkatapos ng class namin habang si Julia naman ay natatawang sumunod lang sa amin.

“Bakit? Saan ba tayo pupunta? Nagmamadali?”

“Eh kasi kanina pa yun nag-umpisa!”

“Ano ba yun kasi?”

“May laro kasi sila DJ ngayon hindi mo alam?”

Napatanga ako, “Laro? Paano eh di ba tapos na matagal ang championship?”

“Oo pero for fun lang daw yung laro nila, team ni DJ versus Jared.”

“Ooh… bakit naman naisipan nila maglaban?”

“Baka na-miss lang nila mag-bola.” Si Julia na ang sumagot dahil si Miles nagtitili na pagpasok pa lang namin ng gym.

“Paano yan? May class pa tayo sa Philos.” Sabi ko kay Julia.

“Yun na nga wala daw tayong class ng Philos kasi sumakit tyan ni Sir.”

Naupo na kami sa pangalawang baitang ng bleacher. May ilang mga estudyante rin ang mga nanunuod, mga wala sigurong klase at nalaman nila ang laro ngayon nila DJ, mukhang hindi lang si Miles ang nakamiss sa kanila makanuod ng laro.

“Grabe teh hinay naman sa pagcheer, championship?” siniko ko si Miles ng magsisigaw siya ng maka-shoot si Marc.

“Syempre na-miss ko to—Wooh! GO ALBERT!” napatakip na lang kami ni Julia sa tenga ng magtitili na naman si Miles ng si Albert naman ang naka-shoot.

“Hoy! Kanino ka ba talagang team?” sabi ni Julia, si Marc kasi kay DJ habang si Albert naman kay Jared.

“Kahit kanino basta kung sino ang maka-shoot sa kanila ako—GO DJ! GO JARED! WOOOOH!” halos maubos na hininga ni Miles ng mapunta kay DJ ang bola habang si Jared naman ay binabantayan siya.

Napa-facepalm na lang kaming dalawa ni Julia.

Bigla naman napatayo si Julia at nagsisigaw na rin ng maagaw ni Jared ang bola mula kay DJ at mabilis siyang nakatakbo papunta sa side ng court nila at nag-shoot. Napakamot na lang si DJ sa ulo habang nangingiti, nag-high five naman sila ni Jared.

“WOOH! Go Red!” Sigaw ni Julia dahilan para mapatingin silang dalawa ni DJ at Jared sa gawi namin, Jared gave us a wave and a smile tsaka siya nag-sign ng heart gamit ang dalawang kamay at umaktong parang bumaril kay Julia.

“Eeeh! Ang corny niyo!” siniko ko si Julia na namumula ang dalawang pisngi.

“Tse!”

Napagawi naman ang tingin ko kay DJ, he was grinning at me umakto naman ako na parang malungkot tsaka nag-thumbs down dahil napuntosan siya ni Jared.

Nagkibit balikat naman siya at inilagay ang dalawang kamay sa bibig niya sabay sigaw para marinig namin, “Babawi ako para sa’yo.” Then he winked at me.

“Hayy! Ang hirap naman ng walang ka-lovelife!” biglang sabi ni Miles kaya napatingin kami ni Julia sa kanya.

“Pwede naman mamili kay Albert or Marc.” Sabi ni Julia.

She scrunched her nose, “Ano ‘to incest? Bros kami hindi mo ba alam?”

“Kasi naman brozoned agad wala pa man.”

Napalabi lang siya at hindi na nakasagot.

The game continued and it was fun dahil halata naman na masaya lang silang naglalaro, they’re not even keeping scores kung maka-score man ang team nila DJ ay nakakabawi naman sina Jared and vice versa.

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon