PAGDATING namin ng resort ay nagpahinga na muna kami, my mom decided na villa na lang ang kunin with three rooms para malaki ang space and also para pwede kami mag-barbeque.
Naka-tambay lang kaming lahat sa living room ng villa, katabi ko si DJ na nakasandal sa couch at nakapikit.
“Are you ok?” Kinalabit ko si DJ.
Dinilat niya ang isang mata sa akin, “Yeah medyo masakit lang ulo ko.”
“Here, massage kita.” Naglagay ako ng unan sa lap ko para makahiga siya and since katabi ko rin si Julia ay kailangan niya pa ipatong ang mga binti at paa sa armrest ng couch para magkasya siya.
Minassage ko ang ulo niya, napapikit ulit siya at unti-unti na rin na-relax ang expression niya, “Better?”
“Hmmn.” Tumango lang siya.
Nag-stay lang kami sa ganun, I continue massaging his head nagpantay rin ang paghinga niya which means nakatulog na siya and I ended up combing and playing with his hair with my fingers.
“Hindi siya natulog you know.” Mahinang sabi ni Julia sa tabi ko.
“What? Why?” nilingon ko siya, no wonder he has dark circle under his eyes.
Nagkibit balikat siya, “He stayed overnight sa shack niya, no one ever enter that place bukod sa kanya, kaya rin kami na-late dumating kanina kasi kung hindi pa namin siya kinatok hindi pa siya lalabas.”
“Shack?”
“That’s where he paints before.”
“He’s painting again?”
Umiling siya, “He said he’s sorting out his things, I wish he go back to painting again hindi na kasi siya nagpinta ever since the—” natigilan si Julia.
“Ever since what?”
Nilingon niya ako, “Ha? Wala nagugutom na ako hindi kasi kami nakapag-breakfast kaya rin siguro sumakit ulo ng loko na yan.” Nagiwas siya ng tingin sa akin at tumayo para lumapit kay Jared.
“Red I’m hungry, kain muna tayo sa labas. Let’s go.” Narinig ko pang sabi niya rito tsaka ito hinila palabas ng villa, nagsunuran naman sina Marc at Albert sa dalawa.
“Sis ikaw hindi ka ba gutom?” tanong ni Miles sa akin.
“Sige, gisingin ko lang si DJ.”
“Ok, sumunod na lang kayo.”
Tumango ako at lumabas na rin siya.
Tinitigan ko si DJ habang natutulog, why did you really stop painting? Ano ang nagtulak sa’yo para talikuran ang passion mo? Napabuntung hininga na lang ako, do I really want to know? I ask myself but then I know that when it comes to DJ I want to know everything.
“Nasaan sila?” tanong ni Mommy na lumabas mula sa kwarto na tinutuluyan namin dalawa.
“Lumabas po, nagugutom daw si Julia.”
“Bakit hindi ka sumama?”
“Gisingin ko lang po si DJ susunod na kami.”
“I’ll just rest for a while then mag-barbeque tayo by lunch, tell them para hindi na kayo lumayo.”
“Ok po.”
Pumasok na ulit ng kwarto si Mommy habang niyuko ko naman si DJ.
“DJ.” Mahina kong tinapik-tapik ang pisngi niya. “Hey.”
Dahan-dahan siyang dumilat. “Hmmn…”
“Let’s eat? Hindi ka pa daw nag-breakfast.”
Tumango siya at pumikit ulit.
BINABASA MO ANG
Four Letter Word
FanfictionL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.