“UYY TEH! Seryoso ba hindi mo ako papansinin?” sinusundan ko lang si Miles, “Nagtatampo ka pa rin? Miles! Miles naman eh.”
Huminto siya tsaka ako nilingon, “Ano ba?”
“Bati na tayo please?” tsaka ako nag-smile sa kanya na pa-cute yung tipong hindi niya ako matitiis.
Pero inirapan niya lang ako tsaka nagpatuloy sa paglalakad, sumunod naman ako hanggang makarating kami sa bench table sa ilalim ng puno kung saan kami madalas tumambay dati pa nandoon na si Julia na naiiling na nangingiti na lang ng makitang sinusuyo ko pa rin si Miles.
“Okay na?” She mouthed.
Nagkibit balikat naman ako, ilang araw na niya akong hindi pinapansin akala ko simpleng tampo lang ang naramdaman niya ng mag-dinner kami sa KFC pero kinabukasan hindi niya pa rin ako pinapansin at pangalawang araw na ito, lahat kinakausap niya pati nga sina Marc at Albert naging instant bestfriend niya pero ako talagang deadma sa kanya.
“Teh grabe ka ha talagang hindi mo papansinin si Kath? Tatlong araw na yang tampo mo sa kanya.” Sabi ni Julia ng hindi na makatiis.
“Two days palang kaya.” Nakaismid na sabi ni Miles hindi pa rin ako tinitingnan.
“Uyy! Bilang niya kung ilang araw kasi nami-miss mo na ko no?” naupo ako sa tabi niya tsaka ko siya niyakap, “Sorry na talaga Miles, bati na tayo please?”
“Ano ba mainit!” pero hindi naman niya inalis ang yakap ko sa kanya.
“Pero bati na tayo?”
“…….”
“Hmn?” nag-puppy face pa ako sa kanya with beautiful eyes.
“Nakakainis ka naman kasi eh! Dapat talaga galit ako sayo! Pero hindi rin talaga kita kayang tiisin!” niyakap niya na rin ako.
“Yay! Bati na kayo!” pumalakpak naman si Julia na nakaupo sa harap namin.
“Pero bakit ka nga ba kasi talaga nagtampo?” tanong ko ng maghiwalay na kami.
Umirap ulit siya sakin, “Kasi naman—kasi naman bagay talaga kayo eh!”
“Huh?” naguluhan ako dun, sino daw?
Natawa naman si Julia.
“Kasi nga di ba alam mo naman na super duper crush ko si Papa D tapos malalaman ko na lang na magkakilala pala kayo tapos ang nakakainis pa bagay kayong dalawa ang ganda niyong tingnan dalawa at ang mas nakakainis pa lalo hindi ko makuhang mainis kasi kinikilig ako sa inyo!”
Napanganga na lang ako sa mahabang explanation ni Miles sabay bilang ko na rin kung ilang beses niya sinabi ang salitang inis.
“Si DJ ba? Bakit naman maiinis ka? Tsaka magkaibigan lang naman kami.”
“Ay ewan ko talaga sa pagka-unobservant mo teh, ibang level.”
Lalo naman natawa si Julia, “Hayaan mo na Miles ganyan talaga baby pa kasi.”
“Ewan ko sa inyong dalawa, maiwan ko na nga kayo magpa-practice pa ako.” Tumayo na ako at sinukbit ang bag ko.
“Hey don’t forget mamaya ah, Friday ngayon remember?” paalala ni Miles.
“I know, hindi ko naman kinalimutan yun ikaw lang kasi ngayon mo lang ako binati.”
“Wait what’s with this Friday?” tanong ni Julia.
“Oo nga pala,” sabi ni Miles, “Every Friday night kasi nagi-sleepover kami ni Kath either sa amin or sa kanila pero syempre kasama ka na namin kaya be ready mamaya ha? Dun tayo kila Kath.”
![](https://img.wattpad.com/cover/29600317-288-k541763.jpg)
BINABASA MO ANG
Four Letter Word
FanfictionL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.