Chapter 26

17.5K 340 17
                                        

 “Y-YOU know each other?” tanong ko kay DJ na nakatingin lang sa ama ko.

“Ninong—” halos pabulong na sabi ni DJ.

Napabalik ang tingin ko kay Daddy na nakakunot ang noo sa amin ni DJ, so siya pala ang Ninong na kinausap ni DJ sa phone.

“Carlos please bumalik ka na lang—” putol ni Mommy sa amin.

“Angel, anak ko rin si Chandria kaya may karapatan ako na makita siya. Hindi pwede na buong buhay mo na lang siya itago sa akin.”

Napahawak ako sa noo, “What’s happening Mom? And what are you doing here?” baling ko sa ama.

Mukhang nagulat naman siya sa tanong ko, “I want to see you.”

“After eight years? You suddenly want to see me?”

He gasped pero hindi siya sumagot.

Napailing na lang ako, “DJ let’s go.” Hinawakan ko si DJ sa kamay patalikod na ako when I remember something, “Where’s Kuya Ace? Never mind he’s not here then maybe he doesn’t want to see me like you do.”

Nasa pinto na kami when he finally talk. “Y-You don’t know?”

Natigilan ako sa tono ng boses niya at hinarap siya. “What do you mean I don’t know?” naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni DJ sa kamay ko.

“You didn’t tell her?!” baling niya kay Mommy na hindi na yata alam ang gagawin.

“Carlos please just leave for now and I’ll talk to her alone.”

“No! For four years pero hindi mo sinabi sa kanya?!”

“What is it? Ano yung dapat alam ko na?!”

“Chandria please—” umiiyak na si Mommy.

“No! You will tell me kung ano yung dapat na alam ko! You don’t leave me hanging here!”

Naramdaman ko ang paghawak ni DJ sa balikat ko.

Napatingala si Daddy habang hawak ang noo na para bang hirap rin siya sa sasabihin.

“Carlos naman—”

“Shut up Angel! This isn’t happening right now kung hindi mo itinago!”

“Can you please?! JUST TELL ME!” napasigaw na rin ako because of the tension.

“He’s dead!”

“W-what?” parang huminto ang tibok ng puso ko at umugong ang tenga ko sa narinig.

“He—he died four years ago, car accident.” Papahina ang boses ni Daddy.

Bakit ganun? Para akong papalayo sa kanila, na parang wala na akong naririnig puro ugong na lang and the pain in my chest is all I can feel.

“Oh my god…” napatakip ako sa bibig.

Lumapit sa akin si Mommy and try to hold me pero umiwas ako, “You knew this? For four years pero hindi mo man lang sinabi sa akin?” tumulo na ang luha ko na hindi na yata maaawat.

Umiiyak na rin siya katulad ko. “I don’t know how to tell you—”

“You don’t know?! Four years mommy! Four years mong itinago sa akin na yung—yung kapatid ko—” no I can’t say it, saying it out loud means its true and I can’t accept it, I just can’t.

“Chandria! Don’t talk to your mom like that!” dinaluhan ni Daddy si Mommy na hindi na rin matigil sa pag-iyak.

Suminghap ako para maalis ang pamimigat ng dibdib ko but no it won’t go away. Tinalikuran ko na sila at tumakbo palabas ng bahay hindi ko na rin pinansin ang pagtawag nila sa akin.

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon