Chapter 22

22.6K 389 10
                                        

“PAKIHALO na lang ng yellow and blue.” Instruct ni Cristina kay DJ.

Free time namin pareho ni DJ kaya naisipan namin na pumunta rito kay Cristina at tumutulong siya ngayon rito sa paghahalo ng pintura habang ako nakaupo lang at pinapanood sila.

After what happened ay naging comfortable na ulit ako kay Cristina, siguro nga wala talaga ako dapat ikaselos kasi kung kay Cristina lang sobrang platonic ng pakikitungo niya kay DJ na parang nakakabatang kapatid niya lang ito and even for me, sobrang friendly niya lang talaga sa mga nakapaligid sa kanya no wonder Joaquin loves her because she’s lovable.

“Nasaan si Joaquin?” tanong ko habang pinapanood sila.

“Nasa firm nila yun, sa east horizon may tinatapos na project.” Sagot ni Cristina habang nagpipinta sa pader.

“Gaano na kayo katagal engaged?”

“Pagka-graduate namin ng college nag-propose siya, two years na.” focus lang siya sa pagpipinta pero tumitingin pa din siya sa akin para sagutin ako.

“Ang tagal na pala bakit hindi pa kayo nagpapakasal?”

Huminto siya sa pagpipinta at humarap sa akin, “Kasi madami pa akong pangarap para kay mama bear and papa bear, gusto ko mabigyan ko muna sila ng sarili nilang bahay para kapag kinasal kami ni Joaquin sa kanya na lang buong atensyon ko. Same lang din kay Joaquin sabi ko sa kanya mag-ipon muna kami para hindi kami nakaasa sa yaman ng pamilya niya pag mag-asawa na kami hindi naman kasi ako laki sa yaman tulad niya. At mukhang malapit naman na mangyari yun.”

“Buti pumayag si Joaquin na maghintay ng ganun katagal?” tanong rin ni DJ.

Nagkibit-balikat siya, “Wala naman siya magagawa kung hindi maghintay dahil kailangan at para rin naman sa amin dalawa yun.”

“At sa dami ng pinagdaanan natin ano na lang ba yung maghintay ako ng ilang taon kung ang punta pa rin natin ay sa best ending ever natin Chichay?”

Napalingon kaming lahat kay Joaquin na nasa likod na pala namin at narinig ang usapan namin.

“Wacky!” lumiwanag ang mga mata ni Cristina pagkakita sa fiancé at yumakap rito. “Di ba may trabaho ka?”

Hindi tulad ng huli ko siyang nakita ay naka-hoodie na ulit siya, magulo ang nakababang buhok at walang salamin.

“Nagpaalam muna ako kay mama sabi ko miss na miss mo na ako at para saan pa ang photographic memory ko kung hindi kita tutulungan.” Lumapit siya sa pader at kumuha ng paint brush.

“May photographic memory ka lang pero hindi ka marunong mag-pinta.” Inagaw ni Cristina sa kanya ang brush.

“Para saan pa ang talent mo? Syempre aayusin mo yung gagawin ko.”

“Bal can you help me with this?”

Naalis ang pansin ko kina Cristina at Joaquin nang magsalita si DJ. Napatingin ako sa kanya sa akin siya nakatingin so ako tinawag niya?

Lumapit ako sa kanya, “Ano yun?”

Iniangat niya ang dalawang braso sa harap ko, “Roll my sleeves.” Naka-long sleeves kasi siya at may pintura ang mga kamay niya.

Inayos ko ang pagkaka-roll ng sleeves ng shirt niya hanggang sa siko niya para hindi masira ng pintura ang damit na suot.

“What did you call me?”

“Bal.”

“Bakit Bal?”

“Baliw. Para ka kasing baliw na nakatulala sa kanila.” Tumango siya sa gawi nila Cristina at Joaquin na nagkukulitan habang nagpipinta sa pader.

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon