Chapter 33

24.8K 395 32
                                    

NAGISING ako sa ingay na nagmumula sa cellphone ko, kinapa ko iyon without opening my eyes at sinagot. Hindi ko na kailangan tingnan para malaman kung sino ang tumatawag my ring tone says it all.

“Hmmn-what?” I cuddle my pillow.

“Labas ka.”

Idinilat ko ang isang mata to look at my digital alarm clock, napaungol ako ng makita ang oras. “DJ naman—it’s 4 o’clock in the morning tapos palalabasin mo ko?”

“But it’s cold down here.”

Napabangon ako ng di oras. “Nasa labas ka?!”

“Why do you think I’m asking you to go out?”

“Ugh! Wait up.” I struggle getting up and wearing my slippers, nawala na rin ang antok ko. Pagbaba ko sa living room ay patay pa ang mga ilaw at tahimik tanda na ako pa lang ang gising.

I hugged myself ng paglabas ko ay umihip ang malakas na hangin, naabutan ko si DJ wearing a hoodie while leaning on his Ford SUV. Napataas ang kilay ko this is new, hindi niya kasi gamit ang dodge challenger niya he usually only used his SUV kapag may pupuntahan siya na may kalayuan.

Lumapit ako sa kanya, “What are you doing here?”

“Tsh bakit ka lumabas ng ganyan lang suot mo? Sabi ko na sayo na maginaw.” he said referring to my PJ’s, he unzipped his hoodie as he pull me closer para yakapin ako with his hoodie wrapped around me.

Yumakap rin ako sa kanya, welcoming the heat coming from his body. “Bakit ka ba kasi nandito ng ganitong oras?”

“Sinusundo ka.”

Napaangat ako ng tingin sa kanya, “At this hour? Baliw ka talaga.”

“Let’s get inside para makapag-ready ka.” Siya na ang humila sa akin papasok ng bahay, wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

“Saan mo na naman ba ako dadalhin? Isusumbong kita kay Mommy.” Sabi ko pagpasok namin ng kwarto ko.

“Tingin mo andito ako kung hindi kita naipaalam kay Tita Angel?”

Hinarap ko siya, “Alam ni Mommy to?”

“Oo naman.” He look around my room parang may hinahanap tsaka siya lumapit sa walk-in closet ko paglabas niya ay may hawak na siyang duffel bag which happens to be mine.

“Whoa! Wait! Bakit meron ka niyan? At paano?” pinigilan ko siya sa dibdib.

“I asked Yaya Ellen na ayusin gamit mo.”

I gaped at him, “We’re leaving? For how long?”

“Three nights.”

“At kailan mo naman balak sabihin sa akin yan? Kailan ako pumayag? At paano mo napapayag si Mommy?!” I was panicking.

“Charm Bal, ginamitan ko ng charm.” He said smirking.

Pinigilan ko ulit siya when he tried to step around me, “Teka! Kailan nga ako pumayag? At saan mo ako dadalhin?!"

“I’m kidnapping you kahit hindi ka pumayag and we’re going somewhere cold so make sure to dress warm.”

Somewhere cold? Isa lang pumasok sa isip ko na malamig sa pilipinas, “Baguio?”

He just smirked at me and finally leaves my room without answering me.

“DJ!” I stomped my foot pero pinagsaraduhan niya lang ako ng pinto.

LIKE what DJ Said I wore something warm, black denim jeans, my black dr. martens boots, and a knitted sweater. Pagbaba ko ay nagulat pa ako ng naabutan ko si Mommy na kausap si DJ.

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon