Chapter 23

23.6K 375 23
                                    

PAAKYAT na ako sa kwarto ko ng marinig ko ang boses ni Mommy na galing sa veranda.

“What do you mean you’re coming back? No! Hindi niya pa alam—”

Sumilip ako sa glass door, “Mommy?”

Gulat na napalingon si Mommy sa akin at agad pinatay ang phone na hawak. “Chandria—you’re still up?”

Napakunot noo ako sa naging reaction niya, “Yeah paakyat na sana ako sa kwart ko, are you okay? You look flustered.”

“I’m fine, of course may kausap lang ako na kasamahan kong doctor.”

“Oh I see, sige po aakyat na ako.”

Paalis na ako ng magawi ang tingin ko sa mga picture frames na naka-display, huminto ako at kinuha ang picture frame kung saan kasama ko ang kapatid ko.

“Mom—” nilingon ko si Mommy na nakasunod pala ng tingin sa akin, napatingin siya sa hawak ko. “May balita ka ba about Kuya Ace?”

“Bakit mo naman biglang natanong yan?”

This was the first time na nagtanong ako tungkol sa kapatid ko after nila umalis ni Daddy for the past eight years.

“His birthday is coming.” Pabulong lang ang lumabas sa boses ko.

“He’s turning 22.” Mahinang sagot rin ni Mommy na para bang nahihirapan siya magsalita.

“Mom why did you let them leave? Bakit sila umalis?” up until now ay hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit kailangan umalis ni Daddy at Kuya Ace, “Is it because hindi mo anak si Kuya?”

Lumapit sa akin si Mommy at kinuha mula sa akin ang picture frame tinitigan niya iyon ng matagal bago inilapag sa kinalalagyan nito. “You know I treat Ace as my own son, it’s their choice na umalis kaya bakit ko sila pipigilan?”

“I did.” nag-angat ako ng tingin kay Mommy. “I asked Kuya not to leave me pero umalis pa rin siya, iniwan niya pa rin ako.”

Niyakap ako ni Mommy, “Chandria—”

Lumayo kaagad ako sa kanya ng manginig ang boses niya. No I can’t cry, not now not after eight years.

“No Mom, no need for you to cry they’re not here anymore, they’re gone for eight years huwag mo sayangin ang luha mo sa kanila.”

Napaawang ang labi niya sa sinabi ko at nakatitig lang siya sa akin.

Huminga ako ng malalim and try to calm myself, “Mauna na po ako sa taas. Goodnight Mommy.” Umalis na ako bago pa siya makasagot.

Pagkahiga ko ay kinuha ko ang phone ko and dial his number, nakailang ring pa bago may sumagot.

“Bal?”

Napahinga ako when I heard his sleepy voice and it start to calm me.

“Did I wake you up?” ramdam ko ang pagsakit ng lalamunan ko.

“That’s okay, ayos ka lang ba?” narinig ko ang kaluskos ng bed sheet at kumot sa kabilang linya.

“Yeah I’m okay I just want to hear your voice.” Somehow hearing his voice calms me and makes me forget the pain in my chest dahil sa naging usapan namin ni Mommy.

I heard him chuckle, “Hmmn I love it whenever you say that.” Then he became serious. “Now tell me, ano problema?”

“Wala—”

“Hindi pwedeng wala because you wouldn’t call me in the middle of the night just because you want to hear my voice when you already said goodnight to me a couple of hours ago.”

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon