I WAS listening to music while waiting for our next class ng biglang may manghila ng earphones ko sa tenga.
“Waah! Teh! May problema!” sabi ni Miles na naupo sa tabi ko, siya ang best friend ko magkaibigan na kami simula ng bata pa, and up until now na 3rd year college na kami ay kami pa rin ang magkasama in fact pati pagmajor namin ng marketing ay talagang planado namin.
“Ano?”
“Wala si Papa D sa practice! Waaah!” umarte pa siyang parang naiiyak.
Napakunot-noo ako. “Sino?”
Tiningnan niya ako ng masama na para bang kasalanan ko na hindi ko kilala kung sino man yung tinutukoy niya. “Si Daniel John Ford, captain ng basketball varsity ng univ natin, mr. MVP.”
“Daniel...”
“Ugh! Never mind nakalimutan ko taong bundok ka nga pala.”
“No I mean, I know him.”
“Oh! That’s new na kilala mo si Daniel, the man with the golden hands.” Kinikilig na sabi ni Miles.
“Bakit daw wala siya sa practice?”
“Waaah! Yun na nga nagpunta ako sa gym kanina para manuod ng practice nila kasi siyempre kailangan ko ng inspiration.” ang bilis talaga ma-distract ng babaeng ‘to, nailing na nangiti na lang ako. “Kaya lang wala nga siya ng practice kasi may sakit daw.”
Napakunot noo ako, nagkasakit siya? Dahil kaya sa naulanan kami kagabi pareho? So parang kasalanan ko pa pala bakit niya na-miss ang practice ngayon.
“Ang nakaka-bother pa may laban na sila bukas kapag hindi pa rin siya pwede bukas may chance na hindi sila makapasok sa semifinals.” Tuloy-tuloy pa rin na pagra-rant ni Miles.
May laban siya bukas pero paano kung hindi pa rin siya magaling bukas? Pero yung mga teammates niya for sure naman kaya nilang maglaro ng wala si Daniel but what if like what Miles said siya ang captain ball kaya importante siya sa laban. Napabuntung hininga tuloy ako, feeling ko tuloy kasalanan ko lahat if it wasn’t for me hindi mababasa ng ulan si Daniel at hindi siya magkakasakit.
“Hoy Teh, natulala ka naman na dyan.”
“Ha? Ahm—”
“Teka nga pala bakit mo pala kilala si Daniel?”
Bago pa ako makasagot ay pumasok na ang professor namin sa history.
“Ugh! Ayan na makakatulog na naman ako sa pagka-bored.” Umayos na ng upo si Miles sa tabi ko.
AFTER ng history class namin ay inayos ko na agad ang mga gamit ko.
“Kath san ka?” tanong ni Miles ng makita niyang sinukbit ko ang bag sa balikat.
“Ah—eh—mauna ka na sa Philos natin may pupuntahan lang ako.”
“Ha? Pero—”
“Don’t forget to take notes for me. Bye!” nagmamadali na akong lumabas ng classroom bago pa niya ako matanong ng kung ano-ano.
Pagliko ko sa hagdan sa kamamadali ay may nabangga akong babae na naglaglagan yung mga gamit niya at nilipad ang ilang papel ilang steps pababa ng hagdan.
“Oh my god! I’m so sorry!”
“Sorry.” Sabay naming sabi ng babaeng nakabangga ko, yumuko siya at pinulot ang mga gamit na nalaglag.
Tinulungan ko na rin siya, bumaba ako ng hagdan para kunin ang mga papel na nilipad.
“Sorry talaga nagmamadali kasi ako sa next class ko.” Sabi niya sakin ng makabalik ako sa harap niya. She’s beautiful, matangkad, maputi at mahaba ang buhok na itim na itim compared to my shoulder length hair.
BINABASA MO ANG
Four Letter Word
FanfictionL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.