SPECIAL CHAPTER: #TeamFord

24.3K 406 29
                                    

a/n: not proofread.
Dedicated to all who's been requesting for FLW SC update. x

-----

NAPATAKBO ako palabas ng garden ng marinig ko ang matinis na tili at iyak galing dito.

"Ano nangyayari dito?" Naabutan ko ang dalawang anak na nag-aagawan sa isang robot. Ace Marion, my 5 year old son, is trying to get the toy from Jan Katherine, my daughter who's turning 2,  na nakasalampak sa mat na naka-set sa garden.

"Mommy Kath, Kathy is trying to get my robot." Sumbong ni Marion, not letting go of his robot.

"Kathy, give it back to your Kuya."

"Yoko po!" She said stubbornly and cry more.

I sigh. "Marion let your sister play with you."

"But Mom-" He reluctantly let go and sat down sulking habang si Kathy naman ay tumigil na sa pagiyak ng mahawakan na ang robot na inagaw sa kapatid.

"Marion, come here." Binuhat ko siya. He's a big boy na talaga, ang bigat na niya at medyo nagi-struggle na ako sa pagbuhat sa kanya.

"It's just a toy hinihiram lang ng kapatid mo."

He's still sulking, na parang nagpipigil na umiyak but still not crying because he's a big boy na daw kaya hindi na siya umiiyak.

"Galit ka ba sa kapatid mo?"

Hindi siya sumagot.

"Nagtatampo?"

Tumango siya at yumakap sa leeg ko.

"Marion, listen hun." I rub his back. "You're five na di ba? Big boy ka na while Kathy is still a baby. She still don't know what's good and bad kaya ikaw dapat iintindi because she's your baby sis."

"Pero palagi na lang po siya nagkuha ng toy ko."

"She just wants to play with you."

"But I don't want to play with her doll!"

"Then let her play with you. Madami ka naman toys and robots di ba? Give some to her, huwag maging madamot."

"Opo." He nodded.

"Good boy." I kissed his cheek. "So you want to play with me instead?"

His face lit up. "Basketball!"

I blink. "But Daddy DJ is not here and I don't play ball." Nasa Malaysia kasi si DJ to attend to a seminar.

"Then you can cheer for us then."

Napaharap ako sa boses mula sa likod ko.

"Daddy DJ!" Sabay na sigaw ng magkapatid, si Marion ay mabilis na bumaba mula sa pagkakakilik ko at tumakbo palapit sa ama, even Kathy put down the toy and run to her father and hug his leg.

Natatawang binuhat ni DJ ang parehong bata. "Miss me?"

"Opo." Sabay na sagot ng dalawa at binigyan siya ng halik sa parehong pisngi.

"Eh si Mommy Kath kaya?" He look at me with raised brow.

Dahan dahan ako naglakad palapit sa maga-ama.

Ibinaba naman ni DJ ang mga anak at ng tuluyan ako makalapit ay hinila ako para yakapin ng mahigpit.

"Akala ko hindi ka na aabot bukas." May pagtatampong sabi ko.

"Kaya nga pinilit kong makauwi ngayon at iniwan ko sa Malaysia si Red para bukas."

Yumakap ako sa kanya ng mahigpit, pinching his biceps. "I'm glad you made it."

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon