Chapter 32

25K 383 23
                                    

a/n: hiiii! i'm back! :D sorry talaga ng madami kung hindi ako nakapag-update ng matagal :( hindi lang talaga ako makahanap ng time and now here it is! at kung feeling niyo parang medyo parang magulo at minadali sorry kasi minadali ko talaga siya hahah! sorry but enjoyyy! :*

---

“BAKIT nga hindi pa kayo?” kanina pa kulit ng kulit si Julia sa akin habang naghihintay kami ng prof sa klase.

“Ano ba Julia kulit mo rin no.”  itinuloy ko na lang ang pagsusulat, may nililipat kasi akong notes.

“Kasi nga ayaw mo akong sagutin.”

“Kasi nga walang sagot, hindi kami kasi hindi kami.”

“Hindi ko talaga kayo dalawa maintindihan nangyari na nga sa inyo ito na nagkagulo na kayo pero ayaw niyo pa rin mag-commit?”

Napabuntung hininga ako at hinarap siya, “Hindi naman ganun kadali yun paano sabihin ko na lang na oh sige tayo na di ba mukha naman akong desperada nun?”

“So you mean he never asked you to make it official?” gulat na tanong ni Julia.

“No.”

“What? Ang gulo ah I thought after what happened magkakaroon na siya ng lakas ng loob na tanungin ka but how come?”

“I don’t know.” Nagkibit balikat ako. “We’re happy naman kung ano ang meron kami ngayon siguro maging kontento na muna kami doon.”

“What if he asked you?”

“I’ll cross the bridge when I get there, ayoko naman na mag-assume na he will really ask me to make it official but for now kung ano meron kami masaya ako.”

“Hayy kayo na lang dalawa nagpapa-komplikado ng relasyon niyo, you know each other’s feelings, you both love each other why can’t it be a simple as that?”

“Love talaga?” tanong ko in amusement.

“Duh! Manhid at bulag na lang kayong dalawa kung hindi niyo pa nakikita at nararamdaman na mahal niyo isa’t isa.”

Nagulat man ako sa sinabi niya ay napangiti na lang rin ako. “Maybe.”

Nanlaki ang mga mata niya bago pa siya makapagreact ulit ay pumasok na ang prof namin, I put my forefinger on my lips to silence her.

PAGPASOK namin ng cafeteria ay lumapit kami sa table nina DJ, Jared, Marc and Albert kung saan meron na rin kaming pagkain na naghihintay. Naupo si Julia sa tabi ni Jared, si Miles sa gitna ni Marc and Albert ako naman syempre sa tabi ni DJ kaharap namin sina Julia.

“Hi!” I smile at DJ.

“Kain ka na.” inilapit niya sa akin ang plate of clubhouse sandwich and fries.

I took one and took a bite.

“Until what time is your class?” tanong ni DJ.

“Wala na, why?”

“May pupuntahan tayo.”

“Saan?”

“Some place na kailangan mong puntahan.”

Napakunot noo ako, “Saan naman yun?”

He pats my head and gave me a slight smile, “Basta.”

“Ayan ka na naman sa basta mo.” Napalabi ako.

He grinned, “Huwag ka masyado magpa-cute.” Pinanggigilan niya ang magkabilang pisngi ko.

“Kasi naman lagi na lang kung saan mo ko dinadala.” Pilit kong sinabi kahit na nakapisil pa rin siya sa pisngi ko para tuloy akong duck na nakanguso habang nagsasalita.

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon