Chapter 21

21.6K 413 19
                                        

“SO KAYO na?” tanong ni Julia, nandito kami ngayon kila DJ sa kwarto ni Julia at magkakatabi kaming tatlo nila Miles sa kama.

“Hindi pa.” hindi pa naman kasi talaga, yes I told him I like him too pero it doesn’t mean na magboyfriend-girlfriend na kaming dalawa. Yes we committed to our feelings but not really giving label to what we have as a relationship. Isa pa hindi naman siya nagtanong.

Bumangon si Julia at nilingon ako. “Ano kayo ngayon? Gusto niyo isa’t isa pero hindi kayo?”

“MU sila.” Sabi ni Miles na nakaupo sa kama at may hawak na magazine, “Malanding ugnayan.”

“Grabe ka naman, malandi talaga?” bumangon na rin ako at hinampas siya ng unan.

“Ano ba kasi talaga? Kung umakto kayo parang kayo nagyayakapan, holding hands, hatid-sundo kulang na lang mag-kiss na rin kayo.”

Hindi ako nakasagot ramdam ko lang na nag-init buong mukha ko.

“Oh my god! You kissed?” Napatakip pa sa mukha si Julia.

“Wh-what? N-no!”

“You’re blushing means you did!”

“Haha! You’re not a good liar Kathryn I’ve known you since fetus days.” Hinampas ako ni Miles ng hawak niyang magazine.

Napanguso ako, paano ko ba sasabihin? “We didn’t kiss like that.”

“Paano?!” sabay nilang sabi tsaka ako pinagitnaan kaya wala na talaga akong kawala.

“We didn’t but I did.” Papahina ang boses ko kaya hindi nila narinig.

“Ano?”

“Lakasan mo boses mo!”

“I did! I kissed him, alright?”

“You did?!” Julia shouts at my face.

Napatakip ako sa tenga ng magsisigaw silang dalawa. “Ang sakit ah?”

“Ang tapang mo girl!” niyugyog pa ako sa braso ni Julia.

“Ano feeling?” tanong naman ni Miles.

“Anong ano feeling?” inirapan ko siya.

“Ano reaction ng pinsan ko?” tanong rin ni Julia.

Nagkibit balikat ako. “Hindi ko alam kasi tumakbo na ko papasok ng bahay after that.”

“Kaya naman pala hindi natulog buong gabi yung lalaking yun kasi ginulantang mo.”

“Waaah! Dalaga ka na Kath-kath!” niyakap ako ni Miles ng mahigpit. “Nanghahalik ka na ng lalaki.”

Napatakip ako sa mukha ko sa sinabi niya, “Grabe naman kayo!”

“Haha! Ang cute mo talaga mag-blush.” Kinurot pa ni Julia pisngi ko.

They won’t stop teasing me after this, bakit ko ba sinabi sa kanila? I should have kept my mouth shut.

Natigil lang sila ng may kumatok at sumilip sa pinto si DJ. “Juls where’s my—” natigilan siya ng makita ako. “Ah—where’s my phone charger?”

May kinuha mula sa drawer si Julia at initsa kay DJ na nasapo naman niya.

“Thanks. By the way dinner na bumaba na kayo.” Kumindat pa siya sakin bago tuluyang lumabas ng kwarto na nagpangiti sa akin.

“Oooh iba rin naman ang sexual tension kahit hindi nag-usap.”

Hinampas ko ng unan si Miles sa sinabi niya, “Ang dami mong alam.”

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon