“GOOD morning!” naabutan ko si DJ sa labas ng bahay namin, this has been our routine ever since, susunduin niya ako papasok ng school at ihahatid niya rin ako pauwi kahit na may practice sila sa basketball he always make sure na maihahatid niya ako. Nagrereklamo na nga si Tatay Andrew kasi nawawalan na raw siya ng trabaho dahil kay DJ.
“Morning!” lumapit ako sa kanya at pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya umikot sa driver seat.
“Seatbelt.” Paalala niya kaagad.
“You’re so particular sa pagsuot ng seatbelt.” Natatawang sabi ko habang sinusuot ang seatbelt.
“Nagiingat lang.” he smile at me. “Ah Kath hindi nga pala kita maihahatid mamaya.”
“Bakit?” why do I sound disappointed?
Ngumiti siya sa akin, “May importante lang akong lalakarin, sinabihan ko naman na si Tatay Andrew para masundo ka niya.”
“Okay ka lang ba?” natanong ko, parang ang tamlay niya ngayon. “Para kasing—”
Hinawakan niya ang kamay ko, “Okay lang ako may kailangan lang talaga ako puntahan. I’ll text you.”
But contrary to what he said, hindi siya nag-text sa akin the whole day. Even Julia was not in the mood, tahimik lang siya at halos hindi makausap but then sabi niya it’s just the time of the month kaya pinagkibit-balikat na lang namin ni Miles.
DURING break ay nagpunta ako sa gym kung saan puspusan ang practice ng mga player, may laban kasi sila bukas kaya naman talagang tadtad sila sa practice buong araw.
Pagpasok ko ng gym ay natanaw ko kaagad sina Jared, Marc at Albert, nang matanaw ako ni Jared ay nag-signal siya ng time out, wala si DJ kaya siya ang tumatayong captain bilang vice-captain ng varsity, lumapit siya sa akin.
“Oh Kath?” tumingin siya sa likod ko probably looking for Julia.
“Hindi ko kasama si Julia, masama daw pakiramdam.”
Tumango siya, “I should know. Ano nga pala ginagawa mo dito? Wala si DJ.”
“Alam ko, may itatanong lang sana ako.”
He chuckle remembering the last time na nagpunta ako dito sa gym to ask where DJ lives, “Ayan ka na naman sa itatanong mo. Parang alam ko na rin itatanong mo eh, kung nasaan si DJ?”
Natawa na rin ako tsaka ako tumango, “Naga-alala lang kasi ako kanina parang hindi siya okay, matamlay siya tapos hindi pa nagtetext.”
Tinapik niya ako sa balikat, “Hayaan mo lang si DJ, importante lang talaga pinuntahan niya ngayon.”
“Saan?”
Umiling lang siya sa akin, “Ihatid na kita sa classroom mo.”
“Ha? Pero yung practice niyo.”
Bumaling siya sa mga players, “Guys! Ten minutes break babalik ako!”
“Yes vice!” sabay-sabay na sagot nila.
“Tara.”
“Hindi mo naman ako kailangan samahan pabalik ng classroom ko.” Sabi ko habang sabay kaming naglalakad, may ilan kaming nakakasalubong na sumusunod ng tingin sa amin, madami rin kasi ang nagkakagusto kay Jared, in terms of popularity ay halos pantay lang sila ni DJ dahil pareho silang gwapo at magaling maglaro.
“Pero ibinilin ka ni J sa akin, bantayan daw kita.”
“Ibinilin talaga? Para naman akong bata.”
BINABASA MO ANG
Four Letter Word
FanfictionL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.