a/n: this special chapter is set after chapter 30 kaya huwag po malito. Back story ni DJ after he decided na mag-aral sa pilipinas because he wants to look after Kath. Kaya stalker mode muna si DJ dito at kung ano ang pinagdaanan niya in his dark days :)
*not proofread*DJ'S POV
I SHOOT the ball across the ring na pumasok naman, kinuha ko ulit ang bola at bumalik sa three point lane at nag-shoot ulit. Natigilan ako ng makita si Jared na pinulot ang bola, he threw the ball na nag-bounce muna bago pumasok sa ring.
"What are you doing here?" Tanong ko, lumapit ako sa bench kung nasaan ang towel ko at nagpunas ng pawis.
"As far as I know, hindi naman private property itong court ng village and I live here too." He was smiling.
Tinitigan ko siya ng matagal pero nagbawi rin agad ako ng tingin, looking at him si Ace ang nakikita ko, ang mga mata ni Ace ang tinititigan ko and the thought brings bitter taste in my tongue.
"First day mo na bukas sa school, excited ka ba?"
Napangiti ako ng mapakla, excited nga ba ako? Hindi ko alam kasi parang nawalan na ako ng pakiramdam, I'm too numb. And studying here is not what I really wanted but rather what I choose to do, because of one girl, this girl that I promised my brother's grave to protect and take care of.
"Want to go out tonight? Seems like you need it." Naupo siya sa tabi ko.
"Saan?"
"Bar." He grinned.
Tumaas ang kilay ko, "We're both underage."
Nagkibit balikat siya. "My brother own it."
Napailing ako at tumayo na, nakasunod lang siya ng tingin sa akin kaya nilingon ko siya. "What? I thought we're going? You're right that I need it."
DAMN hangover! Napamura na lang ako habang minamasahe ang sariling ulo, galing kami ni Jared kagabi sa bar na pagaari ng kapatid niya napasobra yata ang inom ko kaya eto ang inabot ko hangover in my first day of school. Kahit kalahati na ng school year ay pinayagan pa rin ako na makapag-enroll dito buti na lamang ay president ang Tito ko ng Westley University kaya napakiusapan nito ang principal ng Westley High na payagan ako na makalipat.
Bumaba ako ng sasakyan pagkahinto nito sa tapat ng gate.
"Sir anong oras ko po kayo susunduin?" Tanong ng driver ko na nakadungaw sa nakabukas na bintana ng sasakyan.
"Tawagan na lang kita." Walang lingon likod na pumasok na ako ng gate ng Westley High School. I can't wait to drive my own car.
Huminto ako sa gitna ng hallway as students pass by nakatayo lang ako at nagiisip kung paano ko uumpisahan ang mission ko dito ngayon na mag-aaral na rin ako sa kaparehong school ng kapatid ni Ace. I don't even know how will I find her in this freaking campus.
Napahawak ulit ako sa sentido ng maramdaman na naman ang pagpintig at sakit niyon.
Fuck! Why did I drink too much last night?
Because you want to get numb and forget, idiot. Now who's suffering from hangover?
Tsh! But I deserve it, I deserve more than this.
Napailing na lang ako sa pakikipagtalo sa isip, napahakbang ako ng isang beses ng may bumunggo sa akin mula sa likuran mabilis ko naman nai-balance ang sarili ko pero minalas ang nakabunggo sa akin dahil nadapa siya na babae pa pala and she's tiny no wonder sa lakas ng impact ng pagbunggo niya sa akin ay bumagsak siya.
I heard the girl gasped ng bumagsak siya sa harapan ko, napailing na lang ako at tumalungko para tulungan siya na pulutin ang libro na nabitawan niya.
BINABASA MO ANG
Four Letter Word
FanficL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.