Chapter 34

25.1K 416 46
                                    

I WOKE up alone in bed, wala na si DJ sa side ng bed niya. Bumangon ako at inikot ang paningin sa kwarto. Nasaan yun? I thought to myself, tiningnan ko rin ang oras sa phone ko it’s only 7am ibinalot ko ang blanket sa katawan nanunuot kasi ang lamig kahit na naka-sweater na ako.

Napansin ko ang nakapatong na papel sa bedside table at isang sunflower sa ibabaw nito. I smell the flower and read the notes with his handwriting I will know even from a glance.

‘Good morning Bally! Start your day with a smile you know I love your smile and everything about you.’ –DJ

Napangiti ako sa nabasa, “Hayy DJ ang dami mo talagang ka-cornyhan kahit ayaw mo umamin.” I giggle.

Tumayo na ako mula sa kama, “Shit! Ang lamig!” nasabi ko ng maramdaman ang malamig na tiled floor, sinuot ko agad ang slipper ko at lumabas ng glass door to terrace.

I shiver from the cold wind paglabas ko, “Wow…” amazed from the view, puro green ng kabundukan at puno ang sumalubong sa akin at sa baba ay kitang kita ang bed of sunflowers na halatang kusang tumubo hindi tinanim.

I took out my phone at take a pictures of the view and decided to call DJ, “Hey where are you?” bungad ko kaagad ng sumagot siya.

“Downstairs I order our breakfast gutom ka na ba?”

“Kinda, can we eat here? I’m at the terrace and I love the view.”

“Sure ipapa-akyat ko na lang yung pagkain and I’m coming up.”

“Okay, see you. Bye.” Ibinaba ko na ang tawag, I leaned on the railings still watching the view in awe. Mukhang magiging tama si DJ na mamahalin ko ang Sagada, I can look at this view at hindi magsasawa kahit yata hindi na ako maglibot and just stay at this room.

I jumped a little when I feel someone’s arms wrapped it around me and I smile when I smell his familiar scent. “Hey, good morning.” I relax in his arms.

“Cold?” humigpit ang pagkakayakap ni DJ sa akin and rest his chin on my shoulder.

“Hmmn… but I like it here.”

“You’ll like it more mamaya kapag naglibot na tayo.”

Napatingin kaming dalawa sa pinto ng may kumatok.

“That must be our food.” Bumitaw sa akin si DJ at pumasok ng kwarto para pagbuksan ang nasa pinto. May pumasok na dalawang middle-aged na babae na may dalang tig-isang tray ng pagkain. Ibinaba nila iyon sa table na naka-set sa terrace.

“Thank you po.” Sabay na sabi namin ni DJ ng maiayos nila ang pagkain.

Naupo na kaming dalawa ni DJ na magkatapat. The food looks delicious and appetizing even the presentation, omelet, toast breads, pancakes and two mugs of hot coffee.

Inabot sa akin ni DJ ang kape, “Here, try this Sagada coffee.”

I took a sip and nodded, “Hmmn… Masarap naman.”

“So what’s our itinerary for today?” tanong ko ng kumakain na kami.

“Punta muna tayo ng hanging coffin then caving na tayo.”

“Hanging coffin?!” nilingon ko siya.

“Yep! Coffin as in yung may laman ng mga ninuno nila.”

I shiver, “Wow.”

“At mas madami nun sa Lumiang Cave later, hundreds of it. And also punta tayo sa echo valley madadaanan natin papunta ng hanging coffins. Cool doon kasi kapag sumigaw ka mage-echo thus echo valley.”

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon