"KATH saan ka na niyan?" Tanong ni Miles sa akin pagkatapos ng class namin.
"Dance studio sana ang tagal ko na rin hindi nakakasayaw parang kailangan ko na ulit mag-stretch ng katawan."
Kumapit sila ni Julia sa magkabilang braso ko, "We missed you, you know?"
Nilingon ko si Julia sa sinabi niya. "What? Palagi naman tayo magkakasama ah."
"In class yes but we rarely hang out na nang tayo lang girls."
It's true at parang medyo na guilty naman ako na hindi ko na sila nakakasama ng madalas tulad ng dati. "Sorry kung puro si DJ na lang ang kasama ko."
"It's okay, you know boyfriend." Sinundot pa ni Julia ang tagiliran ko.
"Pero pwede ka naman bumawi." Sabi rin ni Miles.
"How?"
"Let's hang out tonight, we can go shopping or watch movie!"
"Uhm..." Nagalangan ako kasi ang alam ni DJ susunduin niya ako after my ballet practice.
"Don't bail out on us! We need this girls' day rin naman." Dagdag ni Julia with matching puppy face, who could say no to that?
I chewed on my lips thinking. "Okay but can I tell DJ first? Kasi ang alam niya dito niya ako susunduin after my practice."
"Nasaan ba siya ngayon?" Tanong ni Miles.
"Maaga sila na-dismiss so they decided to play ball first kila Red."
"Yun naman pala let's go na." Hinila na nila ako.
Habang nasa sasakyan papunta ng mall ay tinawagan ko muna si DJ kaso hindi sumasagot baka naglalaro pa kaya nag-type na lang ako ng message to tell him my whereabout.
"Hindi na tayo nakakapag-overnight." Sabi ni Miles na sa backseat nakaupo habang ako naman sa harap at si Julia ang nagda-drive.
"Ngayon kaya? It's friday night naman like what we usually do." Suggest ko.
"Err hindi ako nakapagpaalam baka hindi lang ako payagan kasi biglaan." Napabuntung hiniga si Miles.
"Oo nga pala."
"Saturday night?" Sabi ni Julia. "We can sleepover at mine's kaso andun si DJ aagawin lang niya si Kath sa atin."
Napalabi ako. "Aagawin talaga?"
"For sure si DJ pa? Hindi yun makakatiis na malayo sa'yo."
"Sa amin na lang?" Sabi ni Miles. "I'll tell Mama para makapag-prepare naman tayo."
"Sure!" Sangayon ko, dahil totoo naman ang sinabi ni Julia na kung sa kanila ay madi-distract lang ako kay DJ at least kila Miles mapapanindigan namin ang no boys allowed.
"Deal na yan ah?" Dagdag ni Julia.
PAGDATING namin sa mall ay nag-ikot ikot kami sa mga favorite store namin.
"Buti pinapayagan ka ni DJ na naka-crop top." Sabi ni Julia ng lumabas ako ng fitting room wearing a white crop top na sinukat ko. "May pagka-conservative kasi yun lalo na sa mga damit."
Umikot ako sa harap ng salamin, "Okay lang naman sa kanya ang ayaw niya yung mababa neckline na kita cleavage though hindi rin naman ako comfortable sa ganun."
"Sabagay nakakapag-two piece bikini ka nga basta nandun siya at nakabakod sa'yo." Sabi niya.
Buti na lang ay nakapasok na ulit ako ng fitting room at hindi na niya nakita ang pamumula ng pisngi ko ng maalala ko yung last weekend when we swim in our undies parang ganun rin naman yun di ba? Parang naka-bikini lang rin ako, yun na lang iisipin ko.

BINABASA MO ANG
Four Letter Word
FanfictionL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.