Chapter 19

23.4K 427 21
                                    

a/n: dahil medyo (medyo lang naman) free na ako with some of my shool work loads here's an update! Hopefully makabalik ako sa daily updates like before. and thank you pala sa votes, comments and reads sobrang appreciated ko po yun! As in! :)

enjoy reading!

----

SATURDAY morning ng ginising ako ni Yaya Ellen. “Kathryn bangon na may bisita ka.”

“Hmmn…” umikot ako mula sa pagkakadapa.

“Kathryn…”

“Opo.” Sabi ko lang pero hindi ako dumilat, nanatili lang akong nakapikit. Mukhang nakaintindi naman si Yaya kasi tumahimik na sa kwarto at narinig ko pa ang pagsara ng pinto.

Makakabalik na sana ako sa tulog ng may makati sa ilong ko. Suminghot ako and rub my nose.

Tumagilid ako at niyakap ang unan ko pero pabalik-balik lang ang kati sa ilong ko na parang sinusundot.

Napakunot noo ako when I heard someone giggling and that giggle sounds familiar. Nagdilat ako ng mata at sumalubong sa akin ang tissue na nakabilot ng manipis.

“DJ naman eh!” naitalukbong ko ang kumot sa akin.

Tinawanan lang niya ako ng malakas at sinubukan hilahin ang kumot na nakatalukbong sa akin habang nakaluhod sa sahig sa gilid ng kama ko, “Bangon ka na kasi.”

Inilabas ko ang kalahati ng ulo ko, dalawang mata lang ang kita. “Bakit ba? Ang aga pa, intsik ka ba?”

“Ford ako, may Ford bang intsik?” sinubukan niya pa rin hilahin ang kumot ko.

“Kahit na maaga pa rin.” Nakipaghilahan talaga ako ng kumot sa kanya, ayoko nga ipakita mukha ko. Kakagising ko lang, nakakahiya gulo-gulo ang buhok ko kaya for sure mukha akong bruha.

“May pupuntahan tayo.”

“Saan?”

“Alisin mo muna kumot mo.”

“Ayaw.”

“Bakit ba ayaw mo alisin?” nilakasan na niya paghila.

“Ayoko nga!”

“Maganda ka pa rin naman sa paningin ko kahit tulo laway ka pa.”

“Hindi ako tulo laway!” nilakasan ko rin ang paghila para hindi maalis.

“Ayaw mo talaga?”

“Ayaw.”

“Okay.” Tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa sahig nagulat pa ako ng umakyat rin siya sa kama ko and try to get inside my comforter.

“DJ!”

Tinawanan niya lang ulit ako ng finally ay kasama na siya sa pagkakatalukbong ko ng kumot at magkaharap na kami sa ilalim ng comforter.

“Ayaw mong bumangon kaya dito na lang tayo.”

“Eeeeeh!” sinipa ko siya tsaka ako bumangon.

“See? Napatayo ka rin.” Tumatawang naupo siya ng nakasuporta ang dalawang palad sa kama.

Nagpasexy pa ng pose. Inis na sabi ko sa sarili, kasi naman ang aga-aga pero bakit ang gwapo na niya?

Tumayo ako mula sa kama, kasi naman nakakatakot baka masunggaban ko si DJ. Ano ba naiisip mo Kathryn Chandria? Ang aga-aga pa puro ka na kahalayan! At kaian ka pa natuto manunggab ng lalaki?

Kasi kasalanan to ni DJ, kung hindi niya in-open sa akin yung about dun sa—dun sa experience niya!

Ikaw ang nagtanong ng nagtanong tapos isisisi mo sa ibang tao?

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon