“HI!”
Napaangat ako ng tingin at nakita ko yung babae kahapon nakabangga ko na nakatayo sa harap ko, nakaupo ako ngayon sa hilera ng mga bench table na nalililiman ng mga puno na nakapaligid sa malawak na field ng university.
“Hello, Julia right?” ngumiti ako sa kanya.
Tumango siya, “Kathryn?”
“Upo ka.” Minuwestra ko yung katabi kong space, naupo naman siya kaagad.
“Alam mo ba hinanap talaga kita?”
“Talaga? Bakit naman?”
“Kasi wala pa akong kaibigan dito aside from my cousin kaso nasa Engr. Department siya.”
“Pwede ba makita schedule mo?” binigay naman niya agad sa akin. “Magka-block pala tayo.”
“Talaga? Yay! Buti na lang kasi hindi talaga ako sanay ng walang kasama.”
“Kath-Kath!!!” biglang sigaw ng pangalan ko mula sa malayo.
Sabay pa kami napalingon ni Julia kay Miles na patakbong lumapit sa amin.
“Teh alam mo ba—ayy may girl.” Nakatingin si Miles kay Julia, “Kilala kita, ikaw yung bago namin kaklase kahapon.”
“Yes, Julia nga pala.”
“Miles.” Nag-shake hands silang dalawa. “Magkakilala pala kayong dalawa anyways mas okay na yun at least nadagdagan ang friend mo Kath kaya friend ko na rin si Julia. Di ba girl?”
Ngumiti si Julia kay Miles, “Oo naman the more the merrier nga di ba.”
Bumaling ako kay Miles, “Ano na nga yung sasabihin mo kanina?”
“Ha? May sasabihin ba ako? Hindi ko alam nakalimutan ko na.”
“Sobrang dali mo talaga ma-distract kahit kalian.” Nailing na lang ako, “Tara na nga malapit na rin mag-time baka ma-late pa tayo.”
PAAKYAT na kami ng hagdan ng makasalubong namin ang mga blockmates namin na pababa naman.
“Girl ano meron walang klase?” hinarang ni Miles isa naming kaklase.
“Ano ka ba nakalimutan mo na? Canceled ang panghapon na klase kasi may laban ngayon sa gym.”
“Aaaah! Oo nga pala!” nagtitili na si Miles, “Teh yun nga pala dapat kong sasabihin sayo! Nandyan si Papa D! maglalaro siya!”
“What? Magaling na ba siya?” bigla naman akong nagalala baka kasi mabinat lang si Daniel—I mean DJ kung maglalaro agad siya ng kakagaling ng sakit.
“Sinong Papa?” tanong ni Julia.
“Hay naku girl malalaman mo rin mamaya pero for now tara na sa gym! Baka wala tayong ma-pwestuhan. Kaloka!” hinila na niya kaming dalawa ni Julia.
Pagdating namin ng gym ay tama nga si Miles halos wala na kaming mapwestuhan sa gym sa sobrang dami ng estudyanteng manunuod.
Umakyat kami ng bleacher para maghanap ng mauupuan.
“Girls! Hi! Kamusta na kayo?” biglang lumapit si Miles sa grupo ng apat na babae na nakaupo sa gawing gitna at naupo sa tabi nila tsaka niya ako hinila para tabihan siya medyo siniksik niya pa yung katabing babae kaya naman napilitan siyang umasog tsaka ko naman hinila si Julia na tumabi sa akin. “Manunuod pala kayo.”
Yung mga babae naman nagkakatinginan na lang, parang hindi alam isasagot.
“Ayy! Naku! Grabe excited na ako sa laban! Wooooh!” biglang sigaw ni Miles na kinagulat ng mga babae pero hindi na lang sila pinansin ni Miles.

BINABASA MO ANG
Four Letter Word
FanfictionL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.