a/n: not proofread.
WARNING: walang SPG looool!
---
MILES and Julia are both helping me pack my things, kakatapos lang ng reception sa kasal at ngayon nga ay nasa loob kami ng hotel room kung saan ako inayusa para magayos ng gamit nakakailanganin ko para sa paglipad namin ni DJ papunta ng Paris ngayong gabi, we will be staying in Paris for three nights and after that we will have our European trip para sa honeymoon namin. Yes babalik kami ng Paris, it's my favorite place kaya nirequest ko na mag-stay muna kami doon ng mas matagal bago ang actual trip namin.
Sa salitang honeymoon pa lang ay namula na agad ang mukha ko, geez! Yung dating pangiinis lang sa akin ni DJ dati magkakatotoo na.
"Hoy Te! Ano nangyayari sayo at kulay kamatis ka dyan?" Agaw pansin ni Miles sa akin.
"Huh? W-wala." Napahawak ako sa nagiinit na pisngi.
"Yung totoo? May iniisip ka no?" Winagayway ni Julia ang hawak na mga nighties sa harap ko.
"Hoy! Saan galing yan?"
"Ito?" Niladlad niya pa ang mga iyon na halos wala na yatang tatakpan sa katawan kung isusuot, it was made of silk and lace. "Gift namin ni Miles."
"What?!"
Napahalakhak naman silang dalawa ni Miles. "You need this."
"W-why would I need that?!" I point at the small cloth Julia was holding, it was a total of five jusko paano ko naman gagamitin ang mga yan?
"Tama nga naman Te," tumango-tango pa si Miles. "Hindi na kailangan kasi huhubarin din naman ni DJ sa kanya."
Tumawa ulit sila tsaka nag-high five.
Gosh! This is so embarassing! Napatakip na lang ako sa mukha. No used na rin ang pagprotesta ko dahil inilagay pa rin nila sa loob ng maleta ang mga iyon.
"Kaya lang kasi..." Napatingin silang dalawa sa akin. "Kinakabahan ako."
"Saan naman?" Tanong ni Julia, lumapit sila sa tabi ko.
"Doon sa-sa mangyayari. Natatakot ako parang-hindi ako ready?"
They both gaped at me. "Totoo ba?!"
"Oo nga!" Napatakip ako sa mata. "Kasi parang-kung masakit o kaya ano ahm basta kinakabahan ako baka kasi mali magawa ko."
"Ay kaloka! Julia ikaw kumausap dyan." Tinulak ni Miles si Julia.
"Bakit ako? Ano rin malay ko dun?"
"Ay ang hina naman ni DJ at Red, mag-best friend nga sila."
"Yabang mo bakit ikaw nagawa mo na?"
Umiling si Miles tsaka ulit tumabi sa akin, "Pero Te since pare-pareho tayong walang alam sa mga ganyang bagay, go with the flow lang mas alam ni DJ ang gagawin niyo."
Nanlaki ang mga mata ko, parang mas lalo tuloy ako kinabahan. "Waaah! Hindi ko talaga alam Te, natatakot ako."
Binatukan niya ako, "Arte nito para naman hindi niyo pa nagagawa yung konting hawak hawak at kiss kiss. Hindi ako maniniwala kapag sinabi mong hindi."
Napalabi ako, totoo naman pero iba yun kasi yung dati alam namin yung limits walang nagpapadala, palaging may nauunang huminto at nagpipigil pero ngayon iba na kasi totohanan na talaga 'to. "Pero paano kung masakit?"
"Ganun talaga hirap bago sarap."
I whined. "Pero-"
Natigil kaming tatlo ng biglang lumitaw si DJ at sumilip sa pinto ng kwarto. "Bal are you ready?"
BINABASA MO ANG
Four Letter Word
Fiksi PenggemarL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.
