“BAKIT ba kasi nasama tayo sa pagsa-shopping na’to?” reklamo ni Albert habang naglalakad kami sa mall.
After kasi ma-finalize ang nalalapit namin na out of town trip ay naisipan nina Julia na mag-shopping daw para sa mga gamit at swimwear na kailangan namin, my mom even lend me her credit card para daw mas makapamili ako although meron naman akong sariling pera.
“Makakahindi ba naman tayo? Eh yung dalawang mag bestfriend na yan ang gusto bumuntot?” sabi naman ni Marc na tinutukoy si Daniel at Jared na katabi naming naglalakad habang yung dalawa nahuhuli sa amin.
“Tumahimik nga kayo, pakakainin naman kayo ah?” si Jared na nilingon sila.
“Hindi ko kailangan ng pakain mo! Masarap magluto nanay ko!” sabi ni Albert na nagpatawa samin, mommy niya nga naman kasi may ari ng Delly’s.
“Pero hindi libre.” Sagot ni Jared sa kanya.
Napag-alaman rin namin na kahit pala sila may ari nun ay pinagbabayad pa rin siya kapag kumakain sa Delly’s dahil negosyo daw iyon. Albert even work part time there.
“Let’s go there!” hinila kami ni Miles papasok sa VS store.
Napaungol naman lalo sina Marc at Albert pero walang nagawa kundi sumunod na lang din.
“You’re wearing that?” tanong ni DJ sa likod ko.
Hawak-hawak ko kasi ang two-piece swimsuit na tanging maliit na triangle lang na may string.
“Nah, too revealing.” Ibinalik ko iyon sa rack at naghanap pa ulit ng babagay sa taste ko.
“Huwag ka masyado magpa-sexy ah?”
Nilingon ko siya. “Bakit naman?”
“Baka mapaaway ako.” Mahinang sabi niya.
“Ano ba dapat isusuot ko?”
May kinuha siya sa rack na nagpatawa sa akin, one piece na may ruffles sa bewang and long enough to cover half of my thigh and close neck din.
“DJ naman, ang manang niyan.”
“Hindi yan manang, iwas gulo lang.”
Umiling ako sa kanya, “No hindi ko isusuot yan.”
“Ito na lang.” pinakita nya sakin ang hawak, parang ganun din sa una but minus the ruffles.
“No.”
Nakangusong ibinalik lang niya ang hawak sa rack.
“This one!” itinaas ko sa kanya ang nakita kong two-piece na less revealing sa una kong nakita pero red ang color.
“No!” tigas siyang umiling.
“Why? Maganda naman ah.”
“Ayoko ng red.”
“What’s wrong with red?”
Nag-iwas lang siya ng tingin. “Basta.”
This time ako naman ang nakangusong nagbalik sa rack.
Ang tagal din namin nagtatalo kung anong bikini ang bibilin ko, ang gusto niya kasi yung mga manang looking na parang kahit si Yaya hindi magsusuot ng ganun at yung mga gusto ko naman ayaw niya kasi hindi daw maganda yung cut, yung kulay at kung ano pang mapansin niya.
“Ang hirap mo naman pumili.” Reklamo ko, naupo na tuloy ako sa bilog na upuan ng store.
Hindi ko na rin matanaw kung nasaan sila Julia at yung iba baka nasa ibang side ng store, malaki kasi itong store kaya baka nagtitingin din sila.
BINABASA MO ANG
Four Letter Word
FanfictionL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.