Chapter 40

28.4K 445 49
                                    

NAGBABASA ako ng reviewer ko ng tumunog ang phone ko, kinuha ko iyon at binasa ang message na galing kay DJ. Napangiti ako sa nabasa and we started exchanging text messages.

------

Mr. DJ ❤️

I want to see you. :(

------

Facetime?

------

No, can I come over?

------

You know you can't.

------

Whyyy??? :(

------

It's final exam week, we need to focus on studying. I miss you :*

------

If you miss me you'll let me see you.

------

You will after the exams.

Napabuntung hininga ako, I really do missed him pero dahil nga exam week namin ay sinabihan ko si DJ na mas mabuti kung mag-focus muna kami sa pagaaral and it also means na hindi muna kami magkikita para iwas distractions. He didn't like it at first pero hindi rin naman siya makatanggi sa akin besides pinaliwanag ko naman sa kanya na until the last day of our examination lang naman and after that ay balik na ulit kami sa dati.

Hindi rin naman kami nagmi-miss ng communication, we text and call each other at kung minsan kapag hindi siya makatiis ay nagfe-facetime kami dahil mas okay raw na panuorin niya ako magreview at least ay nakikita niya ang mukha ko and there are times like this na kinukulit niya ako na puntahan at kahit gusto ko ay pinipigil ko dahil katulad ng sabi we need to focus.

Para mabawasan ang pangungulit niya, I took a picture of me and send it to him.

------

One more day Bally and I'll see you. Focus on your studies okay? I love you!

------

Buti pa t-shirt ko kasama mo. :( Alright hindi na kita kukulitin, I love you more.

------

Right I'm wearing one of his shirt nga pala, it's one of my way para hindi ko siya gaano ma-miss kasi kahit papaano I can smell him through his shirt kaya parang katabi ko na rin siya.

IPINASA ko na ang exam paper ko sa proctor and gather my things, last day of examination and I couldn't be more thankful na pagkatapos ng hell week ay bakasyon na namin. Finally!

Paglabas ko ng classroom ay naabutan ko si DJ na nakasandal sa pader sa harap ng kwarto waiting for me, napangiti ako ng mag-angat siya ng tingin sa akin before he can even react ay sinalubong ko na siya ng yakap.

"Hi."

Gumanti siya ng yakap siya akin, with his arms wrapped around my waist. "Hi yourself."

"Missed me?" Nakangiting tanong ko, I don't really need to asked him it was all written in his face.

"So much." He bend his head about to kiss me pero umiwas ako remembering kung nasaan kami. "What? Bawal ka na rin ikiss?" Nakasimangot na siya.

"Nasa school tayo."

"So what?"

Itinulak ko ang mukha niya ng palad ko, "Madaming tao, so what ka dyan."

Umirap siya sa akin pero naagaw na ang pansin namin ng lumapit sina Miles and Julia na kasama si Jared.

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon