a/n: pardon for the grammar, punctuation and spelling this isn't proof read :) too lazy to do now lool
---
DADDY parked outside the restaurant kung saan kami magla-lunch out kasama ang parents ni DJ and it's a good thing na wala ring duty si Mommy sa hospital ngayon.
Sinalubong kami ni DJ sa entrance ng restaurant.
"Tita Angel." Hinalikan niya sa pisngi si Mommy, bumaling siya sa akin and kissed the top of my head. "Hi Bal."
Dad tapped his back when they do this man hug.
Inakay na niya kami papunta sa table kung nasaan ang mga magulang niya, DJ took the initiative to introduce everyone tsaka kami naupo with DJ beside me.
"So Angel you're a doctor right?" panimula ni Tita Annie.
"Yes, I'm a neuro surgeon."
"Wow alam mo ba nung bata ako pangarap ko mag-doctor pero ng mag-college ako ayoko na pala kasi ang tagal ng paga-aral gusto ko na lang maka-graduate."
My Mom laughed at nagumpisa na sila magkaroon ng mga sariling usapan, even Daddy and Tito Johnny were engaged in a conversation about business.
"Ganyan na naman mata mo, natulog ka ba?" hinawakan ko ang ilalim ng mata niya na nangingitim.
"Natulog ako." Tiningnan ko lang siya, "Natulog talaga ako, promise!"
"Ilang oras ka naman natulog?"
He bit his lip and gave me a sheepish smile.
"DJ... ano na naman ba ginawa mo?"
"Painting...?" alanganing sagot niya.
"Still? Hindi mo pa tapos?"
"Matatapos ko na kailangan lang ng konting touch up."
"Ano ba kasi yun? Bakit parang sobrang tagal mo naman yata matapos?"
"Malapit na pala birthday mo, ano gusto mong gift?" pagbabago niya ng usapan.
Nagkibit balikat lang ako, "Parang wala naman, gusto ko lang ng simple kahit ng celebration basta kompleto tayo."
"Then I'll make sure you will have the best day kahit na simple lang gusto mo." He pats my head.
"Ehem! Good afternoon, may I take your orders?" agaw pansin sa amin.
"Albert?!" Albert was standing by our table in a waiter's uniform complete with bow tie pa, I almost forgot sila nga pala ang may ari nitong Delly's Restaurant and he work part time here.
He grinned at us, he bow before me. "Hello madam." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon.
Natawa naman ako, "You look good."
Biglang inagaw ni DJ ang kamay ko na hawak ni Albert. "Tsh."
"DJ..." saway ko, ang sama kasi ng tingin niya kay Albert na tinawanan lang siya.
"Pahinging tubig." Sabi lang ni DJ ng seryoso ang tingin.
Albert was smirking as he went to DJ's side holding a pitcher of water, sinalinan niya muna ang baso namin tsaka niya hinuli kay DJ but unlike us pinuno niya iyon as in puno na muntik pang matapunan si DJ.
Mahinang napamura si DJ and I can't help but giggle.
"Umalis ka na nga, iba na lang pakuhanin mo ng order namin." Inis na sabi ni DJ.
Hindi siya pinansin ni Albert, inilabas lang niya ang maliit na papel na pagsusulatan ng order. "Ready to order na po kayo Tita?" baling niya kila Mommy.

BINABASA MO ANG
Four Letter Word
FanfictionL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.