Chapter 13

21.1K 379 14
                                        

“NASAAN ba si Julia?” tanong ni Miles habang papunta kami sa gym para sa basketball game nila DJ. Nasa ibang school kami ngayon, dito kasi gaganapin ang laban nila DJ, sa gym ng school na makakalaban nila.

“Hindi ko rin alam, hindi rin naman siya pumasok at wala rin reply sa text ko sa kanya.”

“Ano ba kasi nangyari kagabi?”

Kinwento ko sa kanya lahat mula sa biglaang pagaaya ni Julia sa bar, paginom niya ng alak at ang nangyari sa dance floor.

“Grabe buti na lang hindi ako nakasama kung hindi baka naihi ako sa takot kay DJ at Jared.”

Now that I think about it nakakatakot nga kagabi sina DJ at Jared sa galit nila, hindi ko lang rin masyado napagtuunan ng pansin dahil masyado akong nagalala kay Julia.

“Pero nasaan na nga ba kasi yung babae na yun? Hindi ba siya manunuod?” napakamot na lang si Miles sa ulo.

Nakita kami ni Marc at sinenyasan kami.

“Dyan na kayo maupo.” Sabi niya na tinuro ang bakanteng mauupuan sa likod ng mga players.

“Wow naman, reserved seating talaga?” sabi ni Miles ng makaupo kami.

“Syempre ibinilin yan ni captain para daw madali kayong makita.” One thing is kapag nasa court sila they don’t call DJ and Jared by their names, they call them captain and vice, na nagpapakita na nirerespeto nila ang dalawa pagdating sa basketball.

“Salamat, nasaan sila?” nagpalinga-linga ako, wala pa kasi ang mga players bukod kay Marc.

“Nasa locker room pa, sige balik na ko dun hinanap ko lang talaga kayo.” Nag-jogged na siya paalis.

“Wait, tumatawag si Julia sagutin ko lang.” hawak ko ang phone na nagriring na lumabas muna ako ng gym dahil maingay ay baka hindi kami magkarinigan.

“Juls nasaan ka ba?” bungad ko kaagad sa kanya pagsagot ko ng phone. “Manunuod ka ba?”

“Yeah, I’m on my way. Saan kayo nakapwesto?”

“Sa likod ng mga player.”

Silence. “Okay I’ll see you malapit na ako.”

Pabalik na ako ng gym ng makarinig ako ng malakas na kalabog sa gilid, pinuntahan ko yung ingay.

“Shit!” sabi ng lalaki na nakaupo sa sahig at may nakabagsak na estante sa tabi niya kung saan may mga naka-stack na gym equipments.

“Okay ka lang ba?” lumapit ako sa kanya.

“Nabagsakan na nga ako mukha pa ba akong okay?” masama ang tingin sa akin na sabi niya.

I gasp ng makita ang dugo sa kaliwang pisngi niya, marahil ay nasugat ng nabasag na salamin ng estante na nabagsak. Napangiwi tuloy ako, well school property naman nila iyon.

“May sugat ka.” Sinubukan ko hawakan yung pisngi niya pero tinabig niya lang ang kamay ko. “Huwag ka ngang magulo!”

Nagulat siya sa pagsigaw ko kaya natulala lang siya sa akin, kumuha ako ng band-aid sa bag ko. Buti na lang at lagi akong may baon nito, kaya lang colored band-aids pero may magagawa pa ba siya? Inilagay ko sa sugat niya yung band-aid na kulay green at may print pa ng smiley.

Tahimik lang siya na nakatingin sa akin habang ginagawa ko yon.

“Okay na.” tumayo ako kaya tumayo na rin siya mula sa pagkakasalampak niya sa sahig.

Napahawak pa siya sa pisngi na may band-aid, hindi ko mapigilan na hindi mapangiti ang laki niya kasing tao tapos may band-aid siya na green at may smiley pa sa mukha.

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon