“KATHRYN are you okay?” nilapitan ako ni Miss Catherine, nasa backstage kami ngayon wating for my turn with Robert para mag-perform.
I’m already made up, my hair is in perfect bun with my white tutu and a pointe shoes pero hindi ko maiwasan na hindi kabahan, this will be the first time that I will perform solo, I mean oo kasama ko si Robert but I was so used to dancing ballet by group yung tipong nasa likod ako para wala sa akin ang spotlight and now I’m performing on stage alone with just my partner and to think na ako pa mismo ang nag-choreo.
Huminga ako ng malalim, “Okay lang po.”
“You look tired kaya mo ba mag-perform?”
“Kaya ko po, kinakabahan lang pero makakaya naman.”
“Kaya mo yan, ibinigay ko sayo ito kasi alam kong deserving ka at magaling ka.” She touched my face then she gasped, “Kath ang init mo!”
Marahan kong inalis ang hawak niya sa akin, “I’m fine Miss, uminom na po ako ng gamot kanina.”
“But—”
“Ready Kathryn?” dumating na si Robert at nakabihis na rin siya ng leotard and a white shirt to match my Tutu, some guy may look gay kapag nakasuot ng ganun but somehow Robert make it looks manly.
Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya, “Ready.”
“Pero Kathryn—” hinawakan ako sa braso ni Miss.
Nginitian ko siya, “I’m okay Miss just wish me luck.”
She cupped both my cheeks, “You’ll do great and you will make me so proud I’m sure of that.”
Tipid akong ngumiti sa kanya, “Thank you.”
Tumayo na kami ni Robert sa gilid kung saan kami papasok, sinilip ko ang mga audience, Ang daming tao kayanin ko kaya? Sana. Napapikit ako and offer a short prayer.
Hinawakan ni Robert ang kamay ko, “Kaya natin to.”
Ngumiti ako sa kanya at sabay kaming umakyat ng stage, pagtayo namin sa gitna ng stage ay dito ko na naramdaman na ito na yun kailangan ko itong magawa.
I was blinded by the spotlight kaya hindi ko na makita ang mga audience but as the music start my thoughts are: Nandito kaya siya?
THE music stop and we were drowned by the applause and standing ovation, ngumiti at hawak kamay kaming dalawa ni Robert na nag-bow bago kami bumalik ng backstage.
Pagdating namin ng backstage ay nabigla ako ng yakapin ako ni Robert. “Nagawa natin!” binitawan niya naman ako kaagad.
“Salamat ah, thank you sa pagtulong sa akin.” Ngumiti ako sa kanya ng tipid, masaya ako na nagawa namin pero hindi ko magawang maging ganap na makaramdam ng saya. Gustuhin ko man maging masaya pero kapag nandyan na naaalala ko si Kuya Ace at biglang nagiging empty na naman ang dibdib ko.
“Salamat din at ang galing mo.”
“Kath…”
Napalingon ako sa tumawag sa akin, at nabigla ako ng makita sina Miles and Julia na may dalang bulalak at papalapit sa akin.
“Hey…” ngumiti ako sa kanila.
“Congrats!” ngumiti rin sa akin si Miles.
“Ang galing mo kanina.” Si Julia naman at sabay nila akong niyakap.
Napalunok naman ako, somehow na-guilty ako kasi kasama sila sa iniwasan ko at mas ginusto ko na mapag-isa imbis na hayaan na samahan nila ako sa problema ko, ayoko lang kasi na madamay silang dalawa sa amin ni DJ.

BINABASA MO ANG
Four Letter Word
FanfictionL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.