PAGGISING ko ay ang painting agad ang bumungad sa akin that's when I remember what happened last night or rather midnight, naitakip ko ang unan sa mukha at impit na tumili.
I really have the best boyfriend ever! Minsan parang hindi na makatotohanan na gusto ko na lang kurutin ang sarili ko kung nananaginip lang ba ako which I did, kinurot ko ang sariling braso.
"Ouch!" I rub my arm na agad namula sa pagkakakurot ko, it hurts so it is real! At ang painting na nakasabit sa pader sa harap ng kama ko ang nagpapatunay na totoo nga ang lahat, and speaking of my boyfriend nasaan na ba yun?
Bumangon na ako ng kama at dumiretso ng banyo to do my morning routine, naghilamos at toothbrush muna ako tsaka ako lumabas ng kwarto. Pagbaba ay nakaamoy ako ng mabangong niluluto galing sa kusina.
Pagpasok ko ng kusina ay natigilan ako sa tumambad sa akin, Whoa! What a good morning indeed.
Humalukipkip ako at pinanood si DJ na nakatalikod sa akin habang nagluluto, singing along to Put Your Head on My Shoulder by Michael Bublé playing from my iPod and did I say he's shirtless? Hottie kahit walang abs, saan ka pa?
Natigil si DJ sa pagkanta pagharap niya at nakita ako na pinapanood siya, I wave at him and mouthed 'Hi'.
Ibinaba niya ang hawak na plato na may lamang pagkain na naluto niya sa island counter at naglakad siya palapit sa akin while continue singing paglapit sa akin ay hinila niya ang kamay ko.
I giggle when I landed in his arms as we sway along to the melody, "I thought you don't dance?"
"There's always an exception when it comes to you." Iniikot niya ako and brush his lips on my neck while singing to my ears. "Put your head on my shoulder..."
I lean my head on his shoulder ng matapos ang kanta and whisper. "Good morning."
Niyakap niya muna ako ng mahigpit na may kasamang panggigigil bago ako pinaupo sa stool, kinuha niya ang iPod ko at hininaan ang volume, Micheal Bublé's voice still singing softly. "Hungry?"
Tumango ako at nangalumbaba habang nagiikot siya sa kusina namin preparing our breakfast. "Where is everyone?" Tanong ko ng mapansin na walang tao sa buong bahay at kaming dalawa lang.
"I send them out."
"What?!"
He grinned at me, "I told you I want you for myself the whole day kaya pinakiusapan ko sina Yaya Ellen at Tatay Andrew na mag-force day off ngayon, si Tita Angel naman nasa hospital siya buong araw."
"You really got everyone huh, first napapayag mo si Mommy and Daddy to spend the night in my room at ngayon pati si Yaya at Tatay Andrew."
Naupo siya sa tabi ko at nagsalin ng omelet sa plato ko and started eating. "Kaya wala ka ng kawala sa akin, you're mine now."
"Hindi pa ba?" Pinunasan ko ang ketchup na naiwan sa gilid ng labi niya. "You're so messy when you eat."
"Para alagaan mo ako." He give me a sheepish smile.
AFTER having our breakfast nagprisinta na ako ang maghugas ng dishes since siya naman ang nagluto, and while I was washing ay nasa gilid ko siya at tahimik akong pinapanood.
"You asked me last night how do I see my future." Sabi niya. "I'm looking at it now."
Napangiti ako, "Ano? Ginawa mo akong kasambahay? Tagahugas ng pinggan?"
"Hindi, this is our future tayong dalawa lang magkasama habang bumubuo ng pamilya, doing our household chores, yung pinapanood kita habang may ginagawa ka tapos iha-hug kita." Pumunta siya sa likod ko at niyakap ako. "Tapos kiss." He kissed my cheek.

BINABASA MO ANG
Four Letter Word
FanfictionL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.