NAKASAKAY ako ngayon sa sasakyan ni Jared, yung chinito, siya rin ang nagda-drive. Sa passenger seat naman si Marc, yung tumatawa kanina mag-isa, at si Albert ang katabi ko sa likod, yung natapunan ng tubig.
Ang tahimik, as in, ang nakakailang pa lahat sila nakatingin sa akin pati si Jared pasilip-silip sa rearview mirror.
“Ahm—hindi naman siguro kayo axe murderer at itatapon ang katawan ko sa ilog.” Basag ko sa katahimikan.
“Ngayon mo lang naisip yan tanungin nang nakasakay ka na at kasama mo kaming tatlo sa sasakyan?” tanong ni Jared.
“Errr…” napangiting-ngiwi na lang ako.
“Kathryn huwag mo mamasamain ah pero bakit mo hinahanap si DJ?” tanong ni Marc, nakaharap sila sakin ni Albert at maging si Jared na abalang nagda-drive ay mukhang naghihintay ng sagot ko.
“Kasi di ba may sakit siya?”
“Oo nga, pero paano mo siya nakilala? Hindi ko alam na magkakilala na pala kayo.”
“Magkakilala na?” ulit ko sa sinabi ni Marc.
“I mean di ba kilala ka sa buong school dahil nagsasayaw ka tapos si DJ rin bilang captain ball siya.”
“Hindi naman ako ganun kakilala sa buong school.”
“Oo kaya, sus! Kung alam mo lang kung ilan ang may gusto sayo sa iba’t ibang department at lalo na sa varsity—aray!” napahawak si Marc sa ulo niya ng bigla siyang batukan ni Jared.
“Sorry, ulo mo pala yun akala ko kambyo bibig mo kasi walang kambyo.”
“Eh hehe, so Kath paano na nga kayo nagkakilala ng manok namin—este ng kaibigan namin.” Balik ni Marc sa usapan.
“Ah kasi kagabi nung naulanan kami—”
“Naligo kayo sa ulan kagabi? Kaya naman pala nilagnat ang mokong na yun.” Putol ulit ni Marc sa akin.
“Patapusin mo nga muna si Kathryn, ang daldal mo talaga kahit kalian Marc.” Sabi ni Albert.
“Oops!” nag-peace sign siya sa akin.
“Kagabi kami nagkakilala nung niligtas niya ako ng muntik na ako masagasaan.”
“That’s mah man! Hindi naman sinasabi superhero pala ang peg.” Sabi ni Albert tsaka sila nag high five ni Marc.
“Ang gay ng ‘peg’tol.” Sabi naman ni Jared. “Continue…continue please Kath.”
“Wow Kath? Close kayo?” puna ni Albert.
“Oo kaya manahimik ka kung ayaw mong maglakad papunta kay J.”
Napapailing na lang ako sa kakulitan ng mga ito, mga bukas siguro tapos na ko sa kinukwento ko. “So yun nga papunta ako sa guard house ng biglang umulan, tatawid na sana ako kaso hindi ko napansin yung paparating na sasakyan nagkataon andun si Daniel at nahila niya ako.”
“Hindi nagkataon yan Kath—tadhana, tadhana ang tawag dyan.” Sabi ni Marc with matching pag galaw galaw pa ng kamay.
Natawa ako. “Ang corny mo. Hahaha!”
“Yes! Napatawa rin kita!” tinaas pa ni Marc ang dalawang kamay na parang nanalo sa lotto.
“Huh?”
“Kanina ka pa kasi parang kabado, relax ka lang Kath ihahatid ka namin ng ligtas at walang galos kay DJ. Mababait kami ewan ko lang sa lalaking ‘to—” sabay turo kay Albert. “Lalo na sa supladong singkit na to.” Patukoy naman niya kay Jared na nakatikim siya ng magkabilang batok galing sa dalawa.

BINABASA MO ANG
Four Letter Word
FanfictionL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.