THIS is it nagkakagulo na sila sa bahay, even my mom is gushing over the idea of me going out with a boy.
“Relax nga lang kayo, parang kayo yung lalabas kasama si DJ.” Sabi ko habang pinapanood sina Julia, Miles and Mommy na palakad-lakad sa kwarto ko at nagre-ready sa akin.
“Kala mo naman hindi ka kinakabahan halos mapilipit na nga yang daliri mo.” Turo ni Miles sa kamay ko na pinapalipit ko ng hindi ko namamalayan.
It’s already 10:30 am tumawag na rin si Daniel para sabihin na on the way na siya.
My mom took the liberty to do my make-up although minimal makeup lang daw para lang hindi ako maputla.
“Ang aga naman kasi ng pinsan ko na yun, ang sabi 11am pero 10:30 pa lang papunta na.”
“Baka nga daw kasi ma-traffic.” Sabi ko.
“Traffic? Eh kahit ma-traffic yun hindi yun aabutin ng 30 minutes dyan sa kabilang village.”
“Excited lang yun.” Sabi ni Miles.
“So this Daniel, how is he? Gwapo ba?” tanong ni Mommy habang inaayos ang kilay ko. This is kind of new for me, hindi ko inakala na aayusan ako ni mommy para sa lunch namin ni DJ but when she learned that I’m going out with a boy ay nag-prisinta agad siya na siya ang maga-ayos sa akin.
“Omg! Tita Angel sobrang gwapo! At hindi lang gwapo matangkad pa at magaling maglaro ng basketball.” syempre si Miles na ang sumagot.
“Sobrang gwapo huh? Baka naman babaero yan.”
“Well Tita Angel, as far as I know during his stay here in Philippines wala pa naman akong nababalitaan nambababae siya.” Sagot ni Julia.
“Where is he from?” tanong ni Mommy.
“Oh well we both grew up in US, nang nag-college DJ decided na dito na lang siya mag-aral.”
“I see.”
Natahimik ako habang nakikinig sa kanila, galing pala ng america si Daniel, tsaka ko na-realize na wala pala akong alam about sa kanya.
Nang matapos akong makeup-an ay pinagbihis na nila ako, I’m wearing a white boyfriend shirt tucked in a high wasted skinny jeans and my pink 3 inches high pigalle loubotin. While I just keep my short hair straight.
Sakto naman na ng matapos akong magbihis ay kumatok si Yaya Ellen sa pinto at sumilip, “Andyan na yung date mo.” Nakangiting sabi niya, “Gwapo ha.” Kinikilig pang dugtong niya.
Impit namang tumili si Miles and Julia.
“Yaya naman!”
“Pinapasok niyo ba ‘ya?” tanong ni Mommy.
“Ayaw pumasok, sa labas na lang daw siya maghihintay.”
“Ganun ba, sige bababa na kami.”
Palabas na kami ng kwarto ni Mommy ng aktong susunod yung dalawa ng pigilan ko sila.
“Hep! Hindi kayo sasama bumaba, baka kung ano-anong kalokohan lang sabihin niyo kay DJ.”
“Bakit?” himutok ni Miles.
“Titingnan lang naman namin ang outfit ni DJ.” Sabi naman ni Julia, pareho silang nakalabi.
“Kahit na! bawal kayong lumabas ng kwarto.”
Padabog silang naupo sa kama. “Damot!” sabay din nilang sabi.
Hindi ko na sila pinansin at lumabas na kami ni Mommy ng kwarto.

BINABASA MO ANG
Four Letter Word
Fiksi PenggemarL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.