PABAGSAK akong naupo sa sahig ng dance studio, hinihingal at pawis na pawis.
“Konting practice pa, perfect na natin to.” Sabi ni Robert na nakahiga sa sahig, practice namin ngayon para sa sayaw namin dahil next week na ang foundation kaya naman puspusan kami para maperfect na ang choreo.
“Sana nga, grabe ang sakit na ng katawan ko. Ngayon lang ako nagsayaw ng ganito ka-sobrang practice.” Hinubad ko ang pointe shoes ko and massage my feet, kung nandito lang sana si DJ siya ang magmamasahe ng paa ko, I don’t know why but he has this weird fetish about my feet.
Nang makapagpahinga ng saglit ay tumayo na ulit si Robert, “Ano last one?” inabot niya ang kamay niya sa akin para tulungan ako tumayo.
“Game!” pinlay ko ang music at tumayo ako sa harap niya and he held my waist.
Aaminin ko nung unang beses na practice namin ay nailang ako na nakahawak siya sa akin pero ng magtagal ay nakasanayan ko na rin and not like when I danced with DJ this time ay naaayos namin ang choreo para kay Robert at hindi na lang ako ang sumasayaw ngayon instead of him just supporting me ay mayroon na rin siyang steps and this time we put more on to ballet since yun ang specialty namin dalawa.
When he was supposed to lift me ay dumulas ang kamay niya dahilan para bumuway ang pagkakahawak niya sa akin mabuti na lang at mabilis ang reflexes niya kaya dahan-dahan niya akong ibinaba.
“Woo! Muntik na yun ah.” Napahawak si Robert sa noo niya. “Sorry Kathryn.”
“Okay lang, ganun talaga pagod na rin kasi tayo.”
“Baka nga, bukas na lang natin ituloy ayos naman na eh konting plantsa na lang.” lumapit siya sa bag niya nagulat pa ako ng bigla siyang maghubad ng t-shirt na suot at magpalit sa harap ko, hindi ko na lang siya tiningnan at ginawang busy ang sarili sa pag-aayos ng gamit ko.
Kinuha ko ang bag at pumasok ng locker room ng mga babae para makapagpalit na rin ng damit. Paglabas ko ay naabutan ko pa si Robert na tuluyan ng nakapag-palit ng casual clothes at hinihintay ako.
“Hinintay na kita mukhang wala pa ang sundo mo eh—oops spoke too soon.” Nakatingin siya sa gawi ng pinto and smirked at me.
Napalingon din ako sa pinto and standing there was DJ na mukang kadarating lang, ngumiti ako sa kanya.
“Sige Kathryn, mauna na ako.” Paalam ni Robert na isinukbit na ang bag sa balikat.
“Bye, see you.” Kumaway ako sa kanya ng makalapit na ng tuluyan si DJ at simple naman silang nagtanguan bilang pagbati at pamamaalam.
“Ready?” kinuha ni DJ sa akin ang bag ko at lumabas na kami ng studio.
Tumango ako, “Diretso na ba tayo sa victory party niyo?” ngayon pa lang kasi gaganapin ang victory party nila sa pagkakapanalo nila sa finals dahil na rin naging busy ang mga players na makahabol sa klase na na-missed nila.
“You sure you really want to go? Pwede naman na hindi na lang tayo magpunta.” Bumaba ang tingin niya sa kwintas na suot ko, hindi ko pa ito hinuhubad mula ng ibigay niya sa akin.
“Hindi naman pwede na wala ka sa celebration niyo.”
His lips twitched, “Pero kasi—”
Pinaningkitan ko siya ng mga mata, “Yung totoo? Ayaw mo ko isama no? Siguro madaming babae dun.” Sa bar kasi na pag-aari ng kuya ni Jared gaganapin ang party.
Huminto na kami sa harap ng sasakyan niya, nahinto tuloy ang pagbubukas niya ng pinto ko sa sinabi ko.
“Madami talagang babae dun.” Pinagtaasan ko siya ng kilay, he smirk. “Pero madami rin lalaki kaya nga ayaw ko na pumunta tayo, makikita ka nila.”
![](https://img.wattpad.com/cover/29600317-288-k541763.jpg)
BINABASA MO ANG
Four Letter Word
Fiksi PenggemarL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.