Chapter 20

21.3K 402 23
                                    

“BAKIT ganyan mga mata mo? Okay ka lang ba?” yun agad ang napansin ko kay DJ ng maupo siya sa tabi ko sa bench habang naghihintay ng klase. Nangingitim kasi ang ilalim nito na para bang hindi siya natulog.

“I’m fine.” Sabi niya at sumandal sa akin.

“Here.” Inabutan ko siya ng sandwich. “Hindi ka daw nakapag-breakfast sabi ni Julia.”

He smirk, “Naka-report na pala agad ako sayo ng pinsan ko.”

Napalabi ako, “Bakit naman kasi hindi ka nag-breakfast.”

“Kasi nalate ako ng bangon at baka ma-late ka pa kapag hindi kita agad nasundo.” he said while eating the sandwich.

“Kahit na you could have eat something.” Pinunasan ko yung gilid ng labi niya, napatingin naman siya sa akin habang dahan-dahan na ngumunguya. Naibaba ko yung kamay ko at nailang sa klase ng tingin na ibinibigay niya sa akin. “W-what?”

He smirk and shook his head. “Nothing.”

PAPASOK na sana kami sa building ng department ko ng may tumawag sa akin.

“Kathryn!”

Napalingon kaming dalawa ni DJ.

“Cristina?”

Nakangiting lumapit siya sa amin, “Sabi na nga kayo yung nakita ko.”

Gumanti ako ng ngiti sa kanya. “Anong ginagawa mo dito?”

“Remember sabi ko nag-offer yung school niyo na magpinta ako ng mural dito?”

“Oo nga pala, tinanggap mo na pala.” Nilingon ko si DJ na tahimik lang na nakatingin kay Cristina.

“Syempre tinanggap ko na no, sayang naman raket din to.”

Napatingin ako sa paligid, “Nasaan si Joaquin?”

“Ah, nasa trabaho ganun talaga kapag may kanya-kanyang trabaho na hindi rin naman pwede na kada oras kami magkasama. Pero pupuntahan niya ako dito mamaya after work.”

Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti sa pagiiba ng glow ng mukha ni Cristina after niya mabanggit si Joaquin, kitang kita talaga ang pagmamahal niya rito.

Napatingin ako sa relo ko, malapit na rin pala mag-start ang klase ko. “Sige ah, papasok na kami. See you around Cristina.”

“Saan ka pala magpipinta?” napatingin ako kay DJ sa biglang pagtanong niya kay Cristina.

“Dun sa may stage sa field malapit ng gym.”

“Ganun ba, sige. Bye Cristina.”

“Bye!”

Tahimik lang kami na naglakad hanggang makarating kami ng classroom ko.

“Okay ka lang?” tanong ni DJ.

“Oo naman, bakit mo natanong?”

“Bigla ka kasing tumahimik.”

“Wala, ano ka ba. Sige na papasok na ko, ikaw rin punta ka na sa klase mo.” Tinalikuran ko na siya bago pa siya makasagot.

“KUMAIN na kaya si Cristina?”

Natigil ako sa pagkain ko at tiningnan si DJ.

“Kasi wala naman siyang kakilala dito sa univ bukod satin dalawa.”

Nagkibit balikat ako, “Ayain mo siya ayan oh kakapasok lang ng cafeteria.”

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon