Chapter 50

53 3 0
                                        

Namulat na lang ako na nasa malambot na higaan ako. Nilibot ng mga mata ko ang paligid at nalaman ko na kwarto ko ito. Bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto at iniluwa nito si Zintony na may dala-dalang tray ng almusal.

Napangiti tuloy ako.

"Did you rest well? Mukhang napagod ka sa mga bata kahapon," nakangiting bungad niya sa akin.

"Hindi ko namalayan na nakauwi na pala tayo."

"How's your day in Kalawakan?" he asked.

"That was the great day with the kids. I finally taught Cygnus about my promise before. Kahit hindi ko matandaan na pinangako ko 'yon," pilit na ngiti ang naibigay ko.

Hinaplos ni Zintony ang buhok ko. "I'm really sorry for what happened in you. I didn't want to lose your memories."

Umiling-iling naman ako. "No. Wala kang kasalanan do'n."

"No, kung nagawa ko lang pigilan ang pag-alis mo noon. Baka siguro naalala mo pa ang lahat at hindi ka naghihirap." Namuo ang luha sa kaniyang mga mata.

Tinititigan ko ang kabuuan ng kaniyang mukha at marahan na pinunasan ang luhang nagbabadyang pumatak. Ang makapal niyang kilay na bumabagay sa singkit niyang mga mata. Hinaplos 'yon ng aking mga daliri. "Hindi ka man maalala ng isip ko. Ang importante sa'yo pa rin nauwi ang puso ko." At dinampihan ko siya nang marahang halik na nagpangiti at nagbigay sa kaniya ng kapanatagan.

"You promise that we will continue the marriage," 

"I promise," 

Hinawakan ng magkabilang kamay niya ang dalawa kong pisngi. Isang nakakahumaling na ngiti mula sa pinakamamahal ko ang iginawad niya bago niya ako binigyan ng matamis na almusal.

"Can we prepare now our wedding? I want that to happen as soon as possible," wika ni Zintony habang pinapadausdos ang kaniyang braso sa aking tiyan. 

Pinakiramdaman ko ang yakap ni Zintony at sabay tango sa kaniya. Isa sa comfort zone ko ngayon ang bawat yakap at halik ni Zintony. Siya lang ang may kakayahang magbigay sa akin ng kasiguraduhan sa lahat ng bagay dito sa mundo.

Sa kaniya ko lang naramdaman ang tunay na kapanatagan. Sa tuwing nasa bisig niya ako, ayaw ko nang kumawala. Sa tuwing nararamdaman ko ang bawat init ng kaniyang hininga, ayaw ko nang umalis pa.

Sa kaniya lang ako naging masaya nang ganito. Sa kaniya ko lang nagawang magtiwala ng buo. Kaya hindi ko hahayaan na may maging hadlang pa sa mangyayaring kasalan sa pagitan namin dalawa. Sisiguraduhin ko sa huli na siya at ako ang magwawagi. 

Lumipas ang isang buwan ay naging busy na rin kami ni Zintony sa paghahanda sa nalalapit namin kasal. Nag-hire kami ng event organizers para mas maging madali ang preperasyon. Nagpunta rin kami pareho ni Zintony sa isang wedding shop para magpatahi ng sarili kong gown at sariling suit para sa kaniya.

Ni hindi niya inaalis ang kaniyang mga mata sa akin habang pareho kaming sinusukatan. 

"Make sure my bride will become beautiful in her gown. I want her to be the most beautiful bride in the universe," sabi niya sa dressmaker habang ang paningin ay nasa akin at nakangiti. 

Pinalo ko naman ang braso niya dahil sa kalokohan niya. Hindi ko tuloy maiwasan na kiligin sa pinaggagawa niya. Kanina pa kasi siya bato nang bato ng mga nakakakilig na salita. Pati ang mga taong nakakarinig sa kaniya ay hindi maiwasang kiligin din.

In the next day, pinapunta namin ang mga event organizer namin sa bahay at tinanong kami kung ano ang magiging theme namin at kung paanong set-up ang gusto namin mangyari. 

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon