Chapter 5

467 238 260
                                        

Zhyna's P.O.V

Dumaan ang ilang araw ay puro trabaho ang aking inaasikaso. Kailangan kasing matapos ang lahat ng may mga due date ngayon.

Nananatili akong nakaupo sa office ko para tapusin ang lahat ng trabaho ko. Napabuntung-hininga pa muna ako dahil sa sobrang pagod na nararamdaman ng aking katawan. Tapos kaunti lang ang kinain ko kaninang lunch at hanggang ngayon ni miski isang tinapay ay wala akong kinain.

Hindi ko mabigyan ng oras ang sarili kong kumain dahil sa pagmamadali na matapos ang dapat kong tapusin. Feeling ko tuloy daig ko pa ang doctor sa sobrang busy.

Nang matanto ko na mediyo gabi na, napagdesisyunan ko nang pumunta sa bahay nina Diana para salubungin ang Noche Buena.

I always spent my Christmas with Diana and her dad. Simula kasi ng nalaman nila na wala na akong kasama sa buhay, they always inviting me to attend wherein ipinagpapasalamat ko naman ng marami dahil hindi ko masyadong nararamdaman na mag-isa lang ako especially, sa ganitong klase ng event na kung saan bawat pamilyang Pilipino ay inaabangan at sama-samang nagdiriwang.

"Zhy! Ayon oh! Gandang-ganda sa sarili!" Masiglang salubong sa akin ni Diana nang dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kanilang napakalaking bahay.

Napailing na lang ako at ngumiti sa kaniya habang naglalakad patungo kina tito.

"Zhy!"

Nagulat ako sa pagtawag ng isang pamilyar na boses ng isang lalaki. Pagkalingon ko sa pinanggalingan ng boses na 'yon ay laking tuwa ko nang makitang muli si Dave.

Niyakap namin ang isa't-isa bilang pagbati.

Namangha ako sa simpleng kasuotan ni Dave. He's just wearing a simple red plain v-neck shirt na madalas kong makita sa H&M na sasakto para humigis ang kaniyang pagiging macho. Wearing a cream Tommy Hilfiger jeans na nagsusumigaw kung gaano ito ka-branded. Matangkad si Dave nasa 5'6 footer siguro siya. Hindi ko rin maitatanggi na pang-artistahin ang look dahil sa nakakaakit niyang mga mata.

Samantala si Diana ay nakasuot naman ng red dress na babagay sa kaniyang maputing kutis.

"Kamusta? Long time no see, ha," masayang bati ni Dave sa akin nang makaalis sa pagkakayakap sa isa't isa.

Katulad ni Diana ay umalis din siya ng bansa kaya sobra na lang ako sa pagkakamangha sa malaking pagbabago sa kaniyang physical appearance.

"Too good to say I'm good."

Hindi ko man naintindihan ang sinabi ko ngunit nagawa pa rin namin itong pagtawanan.

"Magandang gabi po," bati ko sa lahat.

Nakaramdam ako ng hiya para sa sarili ko nang malaman na ako lang ang hindi naka-angkop sa color ng celebration at ang mas masaklap pa dito ay nang mapagtanto ko na ang suot ko ay uniform ko pa rin sa work.

Naku naman. Bakit ba kasi hindi ko muna nagawang nakapagpalit ng damit bago pumunta dito 'di ba?

Nakita ko kung paano sila tumingin sa akin. Bagamat naguguluhan pero nagawan pa rin nila akong bigyan ng ngiti.

Pero ngayon ko lang din na-realize na hindi lang si Dave ang naririto kasama sina Diana and si Tito Ryan. Kundi may mga iilan pa kaming kasama na ngayon ko lang nakita. Mas lalo ata ako nakaramdam ng hiya.

Ipinakilala ako ni Diana sa mga bisita. "Si Zhyna po, kaibigan po namin ni Dave."

Nagbigay ulit ako ng paggalang sa kanila bago ngumiti sa kanilang lahat.

Tumingin naman sa akin si Diana. "Family ni Dave," nakangiting pagpapakilala niya sa family ng boyfriend. Isa-isa silang ngumiti sa akin.

Narito ang pamilya ni Dave at ang dad ni Diana na si Mr. Sanchez na C.E.O ng company na pinapasukan ko.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon