Zhyna's Point of View
Mabilis na lumipas ang dalawang araw at dumating na ang aking kaarawan. Wala naman bago sa dalawang araw na lumipas dahil masyado na kaming abala sa mga trabaho namin. Hindi na nga rin namin nagagawang makapag-usap ng mga kasamahan ko dahil ilang araw na lang din ay luluwas na ulit kami ng Pampanga at kailangan namin tapusin lahat ng mga kailangan tapusin dito. Madalas uuwi kami ng hotel, ang kama na agad ang hinahanap namin dahil sa sobrang pagod.
Hanggang sa mga oras na 'to. Abala ako sa pakikipag-usap sa mga engineers namin and to our architect. Walang oras ang pagtunog ng phone ko. I am responsible for overseeing the planning and execution of our strategies pero dahil ako ang na-assign sa project na 'to, wala akong ibang magagawa kundi lumabas sa comfort zone ng trabaho ko. Mabuti na lang laging nakaalalay sa akin si Cheena, ang sekretarya ko para ipaalala sa akin ang mga appointments ko.
"Thank you, Cheena," nakangiti kong wika nang maupo ako sa semento at hingal na hingal. Umupo rin siya sa tabi ko.
"You're welcome, ma'am. This is my job, e," nahihiyang sambit niya.
May gusto sana akong itanong sa kaniya pero nagdadalawang-isip ako. Baka mamaya mapahiya ako pero sa huli mas pinili kong tanungin siya. "Wala ka bang natataandaan ngayon, Cheena?" nag-aalinlangan kong tanong.
Napaisip pa sandali si Cheena bago nagsalita, "Alin po, ma'am? Hehe." Sabay kamot niya sa ulo niya.
Napabuntong hininga na lamang ako. "Nothing."
Nagpatuloy na lang ako sa aking trabaho kahit na dapat ay uuwi na ako hanggang sa napansin ko na ang lahat ay isa-isa ng nagpaalam sa akin para umuwi.
Bagamat ngayong araw ang kaarawan ko ay dapat hindi na ako umaasang may mga babati sa akin. Dahil halata na naging abala ang lahat sa kani-kanilang trabaho.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Every year naman gini-greet nila ako pero ngayon ni isa man lang sa kanila ay walang gumawa.
Nakakapagtaka.
Ala-sais na ng gabi at hindi ko na nakita ang mga kasamahan ko dito sa Molo. Ang aga nilang nagsipag-uwian sa hotel. Miski si Cheena na nagpaalam na aalis muna sandali dahil may importanteng tao raw siyang kikitain ay hindi pa nakakabalik. Pinayagan ko naman dahil baka importante nga 'yon. Marami na rin naman siyang nagawa sa araw na 'to.
"Kailangan ko lang matapos ito at uuwi na rin ako," sabi ko sa sarili ko. Tiningnan ko ang phone ko at ni isa man lang sa kanila ay walang bumati kahit sa text man lang.
Bakit ba ako naghihintay ng greetings nila? 'Di ba sana'y naman na ako sa buhay na kahit walang mag-greet, okay lang?
Nakaramdam tuloy ako ng pagkadismaya sa sariling naisip. Nagbabakasali lang naman din ako ngayon na baka maging espesyal na itong taon na 'to para sa akin.
Lumipas ang isang oras ay nagdisisyon na akong umuwi. Nang makarating ako sa unit namin ay walang katao-tao. Ganoon din sa mga kasamahan naming lalaki nang buksan ko ang unit nila.
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bag para tawagan si Diana. Ilan beses 'yon nag-ring kaso walang sumasagot pati kay Dave ay ganoon din.
Ano bang nangyayari? Bigla akong bumilis ang takbo ng puso ko sa takot. Ilan beses sumagi sa isip ko na baka may nangyaring masama sa kanilang lahat kaya ganito na lang katahimik ang mga room. O baka naman umalis lang sandali at hindi na nagawang makapagpaalam sa akin?
Iniling-iling ko ang ulo ko dahil imposible silang umalis nang hindi nagpapaalam sa akin dahil hindi naman ganoon ang mga ugali nila.
Hanggang sa maalala ko na may number ako kay Zintony, baka sakaling kasama niya ang mga baliw na'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/82814544-288-k362064.jpg)
BINABASA MO ANG
Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)
RomanceCOMPLETED | Mag-isa lang sa buhay si Zhyna Xyrille Montejo kaya sanay na siyang makaramdam ng lungkot, masaktan at umiyak nang mag-isa. Kumbaga, bugbog na siya sa hampas ng alon ng buhay. Pero dahil independent siyang babae, pinipilit pa rin niyang...