Chapter 1

989 325 812
                                    

Narinig ko ang marahang pagkatok sa aking pinto. Naiangat ko ang aking ulo mula sa table kung saan ako nakayuko at mayroong patong-patong na mga papeles ang nakakalat sa table na'to.

"Come in." Hinintay kong makita ng aking mga mata ang taong kumakatok.

"Ma'am Zhyna Montejo. May naghahanap po sainyo." Naitaas ko ang aking kilay.

"May inaasahan ba akong bisita ngayon?" Iritado ngunit mahinang tugon ko kay Cheena, sekretarya ko.

Magsasalita na sana nga ulit si Cheena ngunit hindi na niya ito naituloy nang biglang may isang energetic na babae ang biglang pumasok sa office ko.

"Hi! Zhy!"

Napailing ako nang ma-realize na hindi na naman ako matatapos sa ginagawa ko nito dahil narito na ulit ang babaeng maingay, madaldal at makulit na si Diana.

Hindi pa rin talaga kumukupas ang kaniyang kagandahan. Sa mala-gatas niyang kutis na mas lalong umaagaw ng pansin sa kanyang makapal na buhok na kulay itim. Bilugin ang mukha at singkit na mga mata, may katangusan din ang kaniyang ilong. Nakasuot ito ng dress na aabot hanggang sa kaniyang ilalim ng kaniyang tuhod kasabay ang nakakamanghang mamahaling ruby stilletos na may three inches ang taas ng takong.

Wow.

"Welcome back." Tumayo ako para salabungin siya ng yakap habang pinapanatili pa rin ang pagkamangha sa suot niyang stilletos.

Ang mahal kaya nito!

"Ih, nakakainis! Bakit naman ang taray-taray mo ngayon?" wika niya nang maghiwalay ang pagkakayakap namin sa isa't isa.

Umupo siya sa couch at namamanghang inililibot ang paningin sa kabuuan ng aking office.

Lumabas din agad ng office ko si Cheena.

"Coffee." Inabot ko sa kaniya ang tasang may black coffee. Kinuha naman niya ito.

"Mataray ba ako? Hindi naman," wika ko sa kaniya at naupo sa kabilang couch. Bali magharap kami ngayon.

"Hoy! Sa ganda kong 'to hindi ka man lang masaya na dumating ako?"

Humigop muna ako sandali ng kape.

"Masaya ako, Diana. Napasakto lang na dumating ka ng marami akong ginagawa." Tiningnan ko siya kasabay ng pagngiti ko.

"Ayts! Puro ka na lang kasi trabaho. In fairness. Ang ganda ng office mo," wika niya nang matapos niyang pagmasdan ang kabuuan ng silid ko at ibinaling na rin sa akin ang kaniyang paningin.

Aaminin ko na maganda nga ang office na ipinagamit sa akin ng daddy ni Diana. Kulay puti ang dingding nito, may mamahaling dalawang couch na magkaharap at nasa gitna nito ang maliit na glass table na may maliit na paso na may cactus. Iba pa dito ang pinaka-table ko na kung saan doon ako madalas gumagawa ng trabaho.

"Thanks to your dad." Iyan na lamang ang naitugon ko ngunit naroon ang tono ng pagmamayabang.

"Tara, mag-mall tayo!" Hinila niya agad ako palabas ng office. Mabilis niyang kinuha ang coat at ang bag ko.

"Teka lang, kararating mo lang hindi ka lang muna ba magpapahinga?" Hinahayaan ko lamang siya na hilain lang ako.

Sa totoo lang, pagod na pagod ako, pagod sa pag-iisip, pagod ang katawan at pagod ang puso ko.

"Ikaw lang naman talaga ang laging pagod," wika niya na animo'y nabasa ang sinasabi ng isip ko.

Inabot niya sa akin ang coat at ang bag ko na dala-dala niya nang marating namin ang kotse niya. Naka-park iyon sa labas ng building at sabay kaming pumasok dito.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon