Zhyna's Point of View
Mabilis na dumaan ang araw. Lahat kami ay naging abala sa preparasyon ng proyekto. Nalalapit na kasi ang pagpunta namin ro'n for checking and observation sa lugar.
Kasalukuyan akong mag-isang naglalakad ngayon. Si Diana sinundo ni Dave kanina pa mula sa trabaho niya. Kaya ang ending, ako na naman mag-isang uuwi. Sabagay, wala naman bago rito.
Malamig ang hanging sumasalubong sa akin ngayon. Iba talaga ang nagagawa kapag may trabaho ka, nakakalimutan mo minsan yung mga pinagdadaanan mo sa buhay. Katulad ng mga araw na nagdaan, dahil okyupado ng isip ko ang tungkol sa proyekto namin, nawala pansamantala ang mga gumugulo sa isipan ko.
Napapangiti akong tumitingin sa langit. Nakita ko na naman ang maliwanag na buwan at mga kumukutitap na mga bituin.
Nasulyapan ko rin si Doraemon na nakasabit sa bag ko na nakangiti sa akin. Hindi ko matandaan kung saan ko galing ang keychain na 'to. Pakiramdam ko bigay 'to ng taong naging espesyal sa buhay ko pero hindi ko matandaan kung sino. Sigurado naman ako na hindi ang ex ko ang nagbigay nito lalo na hindi ang lola ko. Hindi nga niya kilala si Doraemon, e. Hindi rin naman si Diana and Dave.
Ah, basta. Iba ang pakiramdam ko sa keychain na 'to. O baka malapit na lang talaga akong mabaliw? Napabuntong-hininga na lang ako.
Pinalo ko ito na para bang iniisip ko na nasasaktan ko siya.
"Buti ka pa, masaya. Bigyan mo naman ako kahit kaunti n'yan." Turo ko sa bibig ni Doraemon na masayang nakangiti.
"Sige na, para patas tayo." Nagmamaka-awa kong kunyari kay Doraemon. Nagbabakasali pa ako na sasagot siya.
Nang wala akong makuhang sagot kay Doraemon ay pinili ko na lamang na magpahangin muna ako bago tuluyang umuwi.
Kinabukasan, theme song ni Doraemon ang nagpagising sa umaga ko ngayon. Pagod akong natulog at pakiramdam ko pagod din ako ngayon sa pagbangon. Pinilit kng maag-ayos ng sarili. Inaantok pa nga ang lagay ko, pero kailangan kong tumayo para ihanda ang lahat ng mga kakailanganin ko para bukas. Buti na lang linggo ngayon at walang work.
Hinayaan ko ang sarili kong maglibang. Binuksan ko ang t.v. Habang nanunuod ay ngumunguya ako ng fries. Wala akong magustuhan na palabas kaya pinatay ko rin ito agad at nagpa-music na lang.
Wala ng dating pagtingin
Sawa na ba sa'king lambing
Wala ka namang dahilan
Bakit bigla na lang nang-iwan
Di na alam ang gagawin
Upang ika'y nagbalik sa akin.
Ginawa ko naman ang lahat
Bakit bigla nalang naghanap?
Hindi magbabago
Pagmamahal sa'iyo
Sana'y pakinggan mo
Ang awit ng pusong ito
Tulad ng mundong
Hindi tumitigil sa pag-ikot
Pag-ibig di mapapagod
Tulad ng ilog na hindi
Tumitigil sa pag-agos
Pag-ibig di matatapos
Mga ala-ala'y bumabalik
Mga panahong nasasabik
Sukdulang mukha mo ay
Laging nasa panaginip
Napapakanta ako sa isip ko habang sumasabay sa kanta. Napakasarap pakinggan ng mga OPM songs lalo na kung nakaka-relate ka talaga sa lyrics.
Biglang pumasok sa isip ko si Warren - ang mga masasayang araw na magkasama pa kami.
Kailan kaya kita makakalimutan?
BINABASA MO ANG
Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)
RomansCOMPLETED | Mag-isa lang sa buhay si Zhyna Xyrille Montejo kaya sanay na siyang makaramdam ng lungkot, masaktan at umiyak nang mag-isa. Kumbaga, bugbog na siya sa hampas ng alon ng buhay. Pero dahil independent siyang babae, pinipilit pa rin niyang...
