Chapter 48

56 8 18
                                    

I can't describe how happy I am to see everyone here. Pero sa saya na nararamdaman ko may itinatago naman itong kaba sa puso ko.

"Zintony, what's going on?" Bagamat naguguluhan ako ay hindi ko pa rin mapigilan na maipakita ang saya dahil nandito siya at muli ko siyang nakita.

Hindi maalis ang mga mata ko sa kaniya. Bukod sa napakagwapo niya sa gupit niya ngayon ay lalong nagbibigay sa kaniya nang malakas na dating ang napaka-elegante niyang kasuotan.

"You look so handsome with your jeans and white polo shirt," puri ko sa kaniya pero hinalikan niya lang nang marahan ang aking noo na nagbigay ng kiliti sa buo kong pagkatao.

How I really miss him.

Kinuha niya ang kamay ko at marahan niyang ikinulong ang mga daliri namin sa isa't isa. Hinila niya ako upang magpunta sa harapan nina mommy and daddy. 

"M-mommy, dad, si Zinton-"

"We know him, Yllana," sabay na sabi nina mommy and daddy nang ipapakilala ko sana si Zintony sa kanila. 

Hindi ako naging komportable sa pagtawag nila sa pangalan ko. Mas nakasanayan ko kasi na Zhyna ang itawag sa akin. Imbis na magsalita pa ay hinayaan kong si Zintony ang magtuloy. 

"Tita, tito..." May ngiti man sa kaniyang mukha ngunit halata rin naman ang pagiging kabado niya. 

"Ano ba'ng binabalak mo, Zintony?" bulong ko sa kaniya ngunit imbis na sagutin ang tanong ko ay marahan niyang pinisil ang palad ko na kasalukuyan niyang hawak-hawak.

"Tita, tito, I will not go around but I would like to ask for your blessing to ask for the hand of your youngest daughter, Yllana Shane Chu," dire-direstong sabi ni Zintony na nagpa-awang sa aking bibig.

"I want to marry her." Nabasag ang kaniyang boses na lalong nagpabilis ng takbo ng puso ko. Narinig ko rin na naghiyawan ang mga taong malalapit sa amin. 

Mabilis na uminit ang aking mga mata para magbadya ang namumuong luha. Na kay Zintony lang ang tuon ko at wala akong ibang tinitingnan kundi siya lamang. 

Lumuhod siya sa harap ni mommy at binuksan ang isang maliit na kahon na may lamang singsing kasabay no'n ang pagtugtug ng isang napakagandang musika.

Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa

"Tita, please accept this ring for your concent for I and Zhyna get married."

Ang kaninang namumuong mga luha sa aking mga mata ay nakatakas na. Totoo ba 'to? Hinihingi ni Zintony ang blessings ng mga magulang ko? 

Humahagulgol na sa iyak si mommy. Si Daddy naman ay pasikretong pinupunasan ang mga luhang kanina pa rin tumatakas sa kaniyang mga mata. 

"Yes." 

Nagsigawan na ang lahat kasabay ang sigaw na nanggaling kay Zintony. Pakiramdam ko tuloy si mommy ang pakakasalan niya at hindi ako.

"Tito?" kay daddy naman ang hinintay na sagot ng lahat. 

"Grabe ka naman, Zintony. Ito ang unang araw na makakasama namin ang aming anak, kukunin mo na agad siya sa amin." I was shocked to what my daddy said. Mas lalong tumulo ang mga luha ko sa nararamdaman na kirot sa aking puso.

"D-dad..." sabi ko habang umiiyak.

"Daddy! engaged pa lang naman sila, if ever. Hindi naman sila agad-agad magpapakasal," singit ni Ate Vanessa. 

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon