Chapter 13

269 153 59
                                        

Diana's Point of View

Bago namin lisanin ni Dave ang hotel. Nasaksihan ko pa kung paano ibinaling ni Zhyna ang atensyon sa dalawa niyang kasama.

Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan ni Dave na naka-park bandang kanan sa labas ng hotel ay hindi ko talaga maiwasang isipin na may koneksyon ang dalawa.

Malakas talaga ang kutob ko kina Zintony at Ms. Chu, e!

"Hindi maganda ang kutob ko sa best friend mo, babe, atsaka doon sa Ms. Chu na 'yon," panghihinala ko.

"Huh? How did you say so, babe?" wika niya habang abala sa kotse.

"I feel like they are hiding something to us."

"And how?"

"I don't know," mahinang sabi ko sa kaniya atsaka nagkibit-balikat.

Nakita ko pa siyang ngumiti sa akin at hinawakan ng palad niya ang kaliwang pisngi ko at dahan-dahan na nilapit ang kaniyang mukha sa akin. "Kumain ka naman 'di ba, babe?" Tsaka niya inilagay ang seatbelt ko tapos isinunod niya rin ang sa kaniya.

Mabilis kong pinalo ang braso niya.

Akala ko naman ay hahalikan niya ako! Kainis!

"I saw them last night magkasabay silang sumakay ng elevator, babe." I pouted not because of my words but because I miss his lips. 

"Nag-uusap sila na parang they were old friends," dagdag ko pa at pilit na tinatanggal sa sistema ko ang pagkainis sa kaniya.

Pinaandar na ni Dave ang sasakyan.

"That's good," wika naman ng abnoy.

Lumingon ako sa kaniya nang nakataas ang kilay habang siya ay nakangiting sinusulyapan lang ako dahil naka-focus siya sa daan.

"That's not good, babe! Paano na lang kung magustuhan ni Zintony si Ms. Chu? Paano na ang team best friend natin?!" Para akong batang nagrereklamo kay Dave. Now I am being irritated na talaga.

Narinig ko naman ang marahan niyang pagtawa.

"Ang pagkakaalam ko, hindi ang tipo ni Ms. Chu ang gusto niya, babe." Sinabi niya 'yon sa paraan na sigurado siya.

"Really?" natutuwa kong pagtatanong kay Dave. Tumango-tango naman siya sa akin.

"Buti naman." I feel so relieved right now. Pero gutso ko pa rin magtampo kasi wala siyang good morning kiss sa kaniya. Arg! Usually kasi siya ang gumagawa no'n sa akin kaya hinahanap-hanap ko kapag hindi niya ginagawa. I don't know kung sinasadya ba niya or talagang nawawala sa isipan niya 'yon. Nakakainis.

I feel something that I need to do. Sakto huminto ang sasakyan niya dahil parang may gumagasgas sa sasakyan kaya hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon. Mabilis kong hinila ang damit niya papalapit sa akin at ginawaran siya nang mabilis na halik sa labi.

"Paasa ka kasi kaya ako na nagtotoo," sabi ko pagkatapos ko siyang halikan at mabilis na binatawan ang damit niya. Umawang naman ang kaniyang bibig pero mabilis din napalitan ng ngisi.

"Hindi rin nakatiis, babe, ha," pag-aasar niya naman sa akin. I just rolled my eyes on him.

"Sinadya mong hindi gawin 'no?"

Tumatawa-tawa na siya ngayon at hindi ako sinasagot. 

"I knew it!" singhal ko sa kaniya pero patuloy pa rin siya sa pagtawa. Nakuha niya ako ro'n. Nakakainis.

Huminto na rin ako sa pangungulit kay Dave. Panghahawakan ko ang sinabi niya na hindi ang tipo ni Ms. Chu ang gusto ni Zintony. Tama, tama. Dapat si Zhyna lang ang maging tipo niya by hook or by crook!

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon