Zhyna's P.O.V.
Ang daming tao ngayon dito. Nagsipunta ang karamihan sa mga co-workers ko. Pati si Tito Ryan ay nandito na rin upang asikasuhin ang insidente.
Tapos na ang mga bumbero sa pagpatay sa apoy na kanina pa nagliliyab. Kumalat ang amoy ng makapal na usok sa kapaligiran. Mabuti na lang at walang ibang sasakyan ang nadamay kundi buong building maaaring masunog.
Sunog na sunog ang sasakyan ko. Kaunti na lang ay pwede nang maging abo.
"Are you okay?"
Mabilis na hinawakan ni Zintony ang magkabila kong pisngi at nag-aalalang tiningnan ang kabuuan ko kung may sugat o gasgas ba ako. Nang makitang marami akong gasgas sa braso ay mabilis niya akong niyakap. Sobrang higpit ng yakap niya.
Ako naman ay wala sa sarili at hindi ko man lang siya nagawang sagutin.
Sino ang may gawa nito? Ano ang pakay ng gumawa nito sa akin?
"May masakit ba sa'yo?" Blangko lang akong nakatingin kay Zintony at halata sa kaniya ang sobrang pag-aalala pero hindi ko pa rin magawang makapagsalita. Nanginginig ang buo kong katawan.
Parang naestatwa ako. Nanigas ang buo kong katawan dahilan nang pagkabigla ko sa nangyari. Hindi ako makahinga nang maayos.
Isa pa sa mas lalong nagpapalakas ng kaba at takot ko nang may parte sa sarili kong nakakaramdam na minsan ko nang naranasan ang pagsabog. Pakiramdam ko hindi ito ang unang pagkakataon. Pakiramdam ko nangyari na'to sa akin pero hindi ko alam kung saan at papaano.
Hindi ako makapaniwala. Muntik na akong mamatay. Muntik na ako sumabog kasama ng kotse kung hindi lang ako iniligtas ni Zintony.
Nakaramdam ako ng pagkirot at paghapdi ng ulo kaya napahawak ako nang mahigpit dito.
"Zhyna, you're getting pale. I need to take you to the hospital." Bubuhatin na sana ako ni Zintony pero pinigilan ko siya.
"Okay lang ako," mahina kong sambit.
"I want to take you in the hospital," Zintony said with his worried eyes.
Muli ko siyang tiningnan at sa pagkakataon na'yon, sunod-sunod nang pumatak ang mga luha ko.
Muntik na akong mamatay...
Mabilis akong niyakap ni Zintony at hinayaan na maging sandalan ko ang kaniyang balikat. Kusa nang pumatak nang sunod-sunod ang aking mga luha dahil sa sobrang takot at panginginig na nararamdaman ko isama ko pa ang halo-halong pakiramdam.
Batid kong pati siya ay natakot para sa akin ngunit ganoon na lamang siya katatag para hindi 'yon ipahalata sa akin.
"Muntik na akong mamatay..." wala sa sarili kong sabi habang umiiyak sa balikat ni Zintony.
Panay lang ang paghaplos niya sa aking likuran at patuloy akong pinapatahan sa pag-iyak but I can't help it. Sobra-sobrang takot ang naidulot no'n sa akin!
Maya-maya lang ay narinig ko na ang siren ng mga police. Mabilis nilang nilagyan ng harang kung saan nangyari ang pagsabog. Ang iilan sa kanila ay panay ang kuha ng litrato. Ang iba naman ay panay ang suri sa paligid ng kotse.
Kinuhanan na rin kami ni Zintony ng panayam para maging witness sa nangyari.
Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang buong katawan ko. Mabuti na lang ay nakaalalay sa akin si Zintony upang hindi ako tuluyang matumba.
"Zhyna! Zintony!"
Lumingon kami agad sa taong nasa malayo pa lang ay sumisigaw na.
Nanggaling ang boses na'yon kay Diana. Kasama niya si Ms. Chu at si Dave.
BINABASA MO ANG
Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)
RomanceCOMPLETED | Mag-isa lang sa buhay si Zhyna Xyrille Montejo kaya sanay na siyang makaramdam ng lungkot, masaktan at umiyak nang mag-isa. Kumbaga, bugbog na siya sa hampas ng alon ng buhay. Pero dahil independent siyang babae, pinipilit pa rin niyang...
