Maaga akong nagising para makapag-jogging. Nagsuot ako ng leggings na black at hoodie jacket. Atsaka ko lang hiniram ang sneakers ni Diana. Nakalimutan ko kasing magdala ng sapatos.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay mabilis din akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nasalubong ko sa sala sina Dave at Ms. Chu na seryosong nakaupo at nag-uusap habang si Diana naman ay nasilipan kong busy sa paghahanda ng almusal sa kusina.
"Sakto gising ka na, Zhyna. Halika, dali," salubong ni Dave.
Taka naman akong pumunta sa kinaroroonan nila at umupo sa kabilang couch.
"May balita na ba?" kinakabahan na tanong ko sa kanila.
Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang hapdi sa mga gasgas na natamo ko sa insidente kagabi.
Itinuro ni Dave ang laptop na nasa harapan ko ngayon atsaka niya pinindot ang play button ng clip. Sumilay roon ang isang kuha ng CCTV na may isang lalaking naka-face mask na itim at nakasumbrerong itim ang nakayuko at pasikretong pumunta sa likuran ng kotse ko.
Nakakamangha kung paano niya mabilis na nailagay ang isang bomba roon nang hindi man lang nakitaan ng panginginig o pagkatakot. Halatang sanay na sanay na sa ganitong gawain.
Zinoom ni Dave ang clip na kung saan maaaninagan ang kaunting itsura ng lalaki.
"Nalaman ba kung sino siya?" natatakot kong tanong.
Bagama't natatakot ako ulit sa pwedeng mangyari pero sinubukan ko pa rin na lakasan ang loob ko.
Nagkatinginan sina Dave and Ms. Chu.
"Kilala ko," sagot ni Ms. Chu.
Tiningnan ko siya sa paraan na naguguluhan.
"Isa 'yan sa mga asong sunud-sunuran kay Luther Abaddon na lider ng kanilang grupo, a dangerous group of a gangters dito sa Pilipinas. Matagal na silang hinahanap ng mga pulis dahil sa patong-patong na mga kaso." Naging matalim ang tingin ni Ms. Chu sa larawan ng lalaki.
So ibig sabihin, hindi nga talaga ordinaryong tao ang mga nasa likod nito.
"Paano mo nasabing kakilala mo sila, Ms. Chu?" nagtataka kong tanong.
Napabuntong-hininga siya sa akin at hindi sumagot. Pero sa pagkakataon na ito ay pinagkatiwalaan ko pa rin ang sinabi ni Ms. Chu.
Lalong nagsitaasan ang mga balahibo ko nang marinig ko ang salitang dangerous group of a gangsters at sikat sila dito sa sarili naming bansa. Pero ang nakakaloko lang, hindi magawang hulihin ng sarili namin bansa ang katulad nilang malaking perwisyo sa lipunan.
Huminga ako nang malalim bago nagsalita, "Ano naman ang pakay nila sa'kin?"
Bigla tuloy namuo ang galit at takot sa puso ko. Nagngitngit bigla ang mga ngipin ko. Hindi ko alam bakit ako ang pinupuntirya ng lalaki na 'to.
"Actually, 'yan ang kasalukuyan pa na ini-imbetigahan. Hangga't hindi siya nahuhuli. Hindi natin malalaman ang pakay niya. Depende na lang kung magbigay siya ng clue or kahit na anong mapanghihinalaan." Inilagay ni Dave ang kaniyang siko sa kaniyang binti habang ang mga palad ay salo-salo ang baba niya at seryosong nag-iisip.
"Huy! Zhyna! Gising ka na pala! Sabay ka ng kumain sa amin," nakangiting ani ni Diana. Nakuha niya ang atensyon naming lahat.
"Mag-ja-jogging na muna ako, Diana," pagpapaalam ko. Aalis na sana ako nang biglang hawakan ni Diana ang balikat ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. Nakita ko naman na nataranta sa pagtayo si Dave at Ms. Chu sa kinauupuan nila.
Anong problema ng mga 'to?
Umiling-iling ito sa'kin. "Kung magja-jogging ka, sasama ako."
BINABASA MO ANG
Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)
RomanceCOMPLETED | Mag-isa lang sa buhay si Zhyna Xyrille Montejo kaya sanay na siyang makaramdam ng lungkot, masaktan at umiyak nang mag-isa. Kumbaga, bugbog na siya sa hampas ng alon ng buhay. Pero dahil independent siyang babae, pinipilit pa rin niyang...
