Chapter 7

324 209 186
                                    

Dumaan ang maraming araw, bagong taon naman ang hinintay ng marami. Niyaya ako ni Tito Ryan magbagong taon sa kanila kaso tinanggihan ko ito. Hindi dahil nag-iinarte ako kundi sobra-sobra na ang naitutulong nila sa akin.

At ayaw kong makaabala ng sobra-sobra sa kanila.

Sa pagpasok ng bagong taon, ganoon na lang kabilis ang takbo ng mga araw. Bumalik na rin ako sa pagiging abala sa aming proyekto. Ilang araw ko na ring hindi nakikita si Diana at huling pagkikita naman namin ni Dave no'ng pasko.

Kasalukuyan akong nasa office ngayon. Nakarinig ako nang marahang pagkatok mula sa pinto.

"Come in," abalang wika ko.

Bumungad sa akin si Diana na ang lawak ng ngiti.

Mag-aaya 'to lumabas.

Inabutan niya ako ng sulat. Binigyan ko siya ng nakakapagtakang tingin.

Nagtatakang binuksan ko naman ito. Naglalaman ito ng isang liham na si Diana Sanchez ay ang makakatulong ko sa proyektong gagawin namin this coming next week.

"It means, regular ka na dito?" hindi makapaniwalang wika ko.

"Aha!" Sabay tango niya sa akin.

Nananatili pa rin ako sa pagkakamangha. Hindi ko lang inaasahan na makakasama ko siya. 

Tumayo ako para yakapin siya. "Congrats." Masaya talaga ako at napili niyang dito sa kumpanya nila siya mag-work.

"Sige na. Alis na ako. Inabot ko lang 'yan para malaman mo. Kailangan ko ng magtrabaho. Excited!" masayang banggit niya sa akin.

"Sige. This coming next week, magkakaroon tayo ng final meeting," nakangiti kong wika sa kaniya.

"Yes, ma'am! Teka nga pala, nag-aaya na si Dave na lumabas. Six in the evening mamaya. Kita-kits sa labas. Susunduin tayo."

"Oo, sige-sige." At tuluyan na siyang lumabas ng office ko.

Maya-maya ay dumating naman ang isa sa mga sumisira ng araw ko.

"Hi, Ms. Montejo," bati sakin ni Ms. Chu.

"Who told you to enter in my room?"

"Tsk. Easy ka lang, masyado mo naman pinapahalata na ayaw mo talaga akong makita." May tono ng pang-aasar ang boses niya.

Oo. Buti naman alam mo.

"Balita ko, may kakampi ka na ngayon. 'Yong Diana? Feel ko pareho kayong loser." Tumawa siya nang nang-aasar.

"Ano ba'ng problema mo at ang hilig mong sirain ang araw ko?" Isang nakakunot na noo ang binigay ko sa kaniya.

"Tss. Obvious ba? Ayaw ko sa'yo. Ayokong kasama ka sa lahat ng bagay dito sa trabaho," pag-aamin niya.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Tinapat ko ang aking mukha sa gilid ng sa kaniya para bumulong, "Bakit ako? Tinanong mo ba ako kung gusto kong makatrabaho ka? Sasagutin na rin kita, gano'n din ako." Naglakad ako palabas ng office ko. Sinadya kong banggain ang balikat niya. 

Habang naglakakad ako sa building namin, nagbigay ako ng isang mabigat na hininga. Hindi ko alam kung bakit ang mga taong hindi ko naman ginagawan ng masama ay ayaw din sa akin.

Kaya imbis na ituon ko ang buong atensyon ko kay Ms. Chu para hanapin ang dahilan na iyon ay hindi ko na lang pinag-aksayahan ng oras. Hanggang sa dumating ang ala-sais ng gabi, magkasama na kami ni Diana na nananatiling naghihintay kay Dave dito sa labas ng building.

"Nasaan na ba 'yon?" naiinip na tanong ni Diana.

Maya-maya lang ay nakarinig na kami ng busina ng kotse. Six-thirty na ng gabi wala pa rin si Dave.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon