"Please, don't do this, again." Nananatili pa rin si Zintony sa pagkakayakap sa akin.
Naramdaman ko na mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Tila ayaw na akong pakawalan.
Hinaplos ng dalawa niyang palad ang mukha ko na puno ng luha. "Don't cry, Zhyna. Please, don't cry."
Habang patuloy sa pagtulo ang luha sa aking mga mata ay patuloy naman siya sa pagpunas nito. Kita ng mga mata ko ang sobrang pag-aalala niya.
Ang kaniyang mga mata na nagsasabi ng kaniyang totoong nararamdaman.
Lumingon ako kay Warren na kasalukuyang nakapamulsa ang kaliwang kamay habang nakatuon ang tingin kay Zintony na ngayon ay malalim ang tingin sa kaniya.
Ramdam ko ang mabigat na presensya nilang dalawa. Tila naglalaban gamit ang matatalim nilang mga tingin.
"Uwi na tayo," aya ko kay Zintony.
Nabasag ang kanilang paglalaban ng tingin nang marinig ni Zintony ang boses ko.
"I'll take you home." Inalalayan ako ni Zintony pasakay sa kaniyang kotse.
Habang palayo ang sasakyan namin sa kinatatayuan ni Warren ay pabigat naman nang pabigat ang lungkot na nararamdaman ng puso ko.
"Wala tayong relasyon, Zhyna. Hindi ako ang mahal mo."
Ilan beses nagpa-ulit-ulit 'yon sa isip ko dahilan para mamuo na naman ang galit at lungkot sa puso ko.
Wala kaming relasyon.
Sa ilang taon ko siyang hinintay, 'yon ang sasabihin niya sa akin?
Nagulat na lang ako nang biglang huminto ang sasakyan ni Zintony dito malapit sa isang mapunong lugar at napakatahimik na kalsada.
Lumabas siya at pinagbuksan niya ako ng pinto. Sinenyasan niya akong bumaba ng sasakyan.
Pagkababa ko ay inabutan niya ako ng can of beer.
Pumwesto kami sa pinakaharap ng sasakyan niya at doon kami parehas na naupo. Sabay kaming napabuntong-hininga. Binalot kami ng nakakalungkot na katahimikan.
"Why do you drive so fast?"
Lumingon ako sa gawi niya. Nakakunot ko siyang pinagmasdan.
"How did you know that I drive so fast?"
Tumingin siya sa akin nang malalim. Matagal bago siya nagsalita. "My car has a detection through my phone. I can perceive you, for me to be aware where you are. I can know your location and whatsoever," he explained.
I can't believe him. Kaya pala gano'n na lang siya kakampante na hayaan ako mag-isa at gamitin ang sasakyan niya.
"Sinundan ko siya," malungkot na sabi ko. "Pinantayan ko kasi ang takbo niya sa pagmamaneho para maabutan ko siya. Ang tagal ko na kasi siyang hinihintay na makita ulit."
Narinig ko naman siyang tumawa nang marahan at humigop ng beer.
Nagtama ang aming paningin na nagdulot sa akin ng kiliti. 'Yong mga mata niya na tila ang daming gustong sabihin pero hindi maisatinig. Mabilis ko naman iniwas ang sarili kong paningin.
"That freaking guy is my ex boyfriend," panimula ko.
"Ang tagal ko siyang hinintay, tapos ang sasabihin niya sa akin, sorry kasi hindi siya naging mabuting kuya?"
Mabilis kong hinigop ang beer. Sa pagkakataon na 'yon diretso ko 'yon naubos. Humingi ulit ako ng isa pa kay Zintony. Binigyan naman niya ako ulit.
BINABASA MO ANG
Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)
RomanceCOMPLETED | Mag-isa lang sa buhay si Zhyna Xyrille Montejo kaya sanay na siyang makaramdam ng lungkot, masaktan at umiyak nang mag-isa. Kumbaga, bugbog na siya sa hampas ng alon ng buhay. Pero dahil independent siyang babae, pinipilit pa rin niyang...
