Mabilis na lumipas ang isang linggo na ang tangi ko lang ginawa ay makipag-usap sa mga kaibigan ko. Miski ang lumabas nang mag-isa ay limitado.
Sa ilang araw na lumipas, ilan beses din akong nakatanggap ng sulat sa maliit na papel mula kay Luther.
Nagugulat na lang ako na may batang pupunta sa akin at may iaabot na maliit na papel kapag nag-ja-jogging kami sa umaga. Minsan naman may lalaking dadaan sa harapan ko tapos magugulat na lang ako na may mahuhulog na maliit na papel.
Natatakot ako, oo. Pero kailangan kong lakasan ang loob ko.
Ito na rin ang araw na kung saan babalik na ako sa trabaho. Nakiusap na rin ako kay Tito Ryan na kung pwede na akong umuwi sa bahay. Noong una ay ayaw akong payagan pero sa huli ay napapayag ko rin siya. Ganoon din kay Diana.
Kasalukuyan ako ngayong nagmamaneho ng sasakyan ni Zintony. He insisted na ipahiram muna sa akin ang sasakyan niya. Meron naman daw siyang extra car na matagal na raw niyang hindi nagagamit pero bago pa naman daw iyon.
Noong una nahihiya ako lalo na kapag naiisip ko na ang laki na ng naitutulong niya sa akin. Siya rin ang nag-aasikaso ro'n sa insidente na hanggang ngayon wala pa rin nakukuhang sapat na ebidensya.
Hindi ko na rin siya natanggihan kasi kailangan ko rin ng sasakyan. Kung hindi ko naman kasi tatanggapin ang offer niya, araw-araw niya akong susunduin sa bahay na which is ayaw ko dahil malaking abala 'yon sa kaniya.
Habang nag-u-u turn na ako sa may Intersection papasok sa trabaho ko ay nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na lalaki.
Mabilis na namuo ang kaba sa dibdib ko. Nanginig ang buong laman ko dahil sa naiisip na muli ko siyang nakita. Bumalik lahat ng mga ala-ala ko sa kaniya pati ang nararamdaman ng puso ko pero hindi na tulad noon. Napahinto ako sandali sa gilid ng daan at inihinto ang sasakyan sabay napabuntong hininga nang malalim. Pero muli ko rin binuhay ang makina ng sasakyan at binalewala ang nakita ko. Baka guni-guni ko lang.
Tama ba ang nakita ko? Si Warren ba 'yon? Nakailang buntong-hininga na ako para kumbinsihin ang sarili ko habang nagmamaneho na hindi siya ang nakita ko. Na gawa lamang nga iyon ng guni-guni ko.
Sa loob-loob ko, sinasabi ng puso ko na ito na ang pagkakataon para itanong sa kaniya lahat ng mga gumugulo sa isipan ko.
Bakit bigla na lang siya nawala?
Ano'ng nagawa kong mali para iwan na lang ako nang walang pasabi?
Dalawa na lang ang gusto kong itanong pero bakit napakabigat?
Napakasakit sa akin tanggapin na ganoon na lamang niya ako inabandona na tila lahat ng mga ipinakita niyang pagmamahal sa akin ay isa lamang laro sa kaniya.
Pero ito naman ang isip ko, sinasabi niya sa akin na magpatuloy lamang ako sa pagmamaneho dahil kapag nagtanong pa ako sa kaniya panibagong sakit na naman ang maidudulot niya sa puso ko.
Nakakaloko lang isipin na ang puso at isipan ay kilala natin lagi sa pagtatalo. Lagi silang nagbabangayan para sa sarili nilang kapakanan. Pero hindi ko sukat akalain na ang puso ko ay pinoprotektahan ang isip ko at ang isip ko ay pinoprotektahan naman ang puso ko.
Mabilis kong pinaikot ang manibela ng sasakyan para bumalik sa lugar kung saan ko nakita si Warren.
Wala na akong pakialam kung sino sa dalawang organ ko ang masasaktan ko.
Mabilis akong bumaba ng sasakyan nang makarating pero wala na siya sa lugar kung saan ko siya kanina nakita.
Kaya naman napagdesisyunan kong umikot-ikot sa lugar para magbakasakaling makita ko siya ulit.
BINABASA MO ANG
Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)
RomansCOMPLETED | Mag-isa lang sa buhay si Zhyna Xyrille Montejo kaya sanay na siyang makaramdam ng lungkot, masaktan at umiyak nang mag-isa. Kumbaga, bugbog na siya sa hampas ng alon ng buhay. Pero dahil independent siyang babae, pinipilit pa rin niyang...
