Chapter 45

61 5 4
                                    

Bago ako tuluyang lumabas ng aking silid, pinagmasdan ko muna ang litrato namin dalawa na nakapatong sa side table ko. It was three years ago. Nakatawa kaming pareho sa isa't isa na kaunti na lang pwede nang pasukan ng langaw ang aming mga bibig habang may yakap-yakap akong Doraemon na siya mismo ang nagbigay.

Pagkatapos ay nakangiti akong lumabas ng aking silid para makapaghanda ng aking makakain.

Kinikilig ako sa bawat araw. Hindi kasi nabibigo ang boyfriend ko na pakiligin ako sa bawat paggising ko lalo na siyempre sa bawat pagtulog ko kung saan hindi natatapos ang araw na hindi kami nagkakausap.

Narinig kong tumunog ang aking cellphone, kaya naman dali-dali akong tumakbo sa aking silid.

"Hi," mahiya-hiya kong sinagot ang tawag niya.

Narinig ko mula sa kabilang linya ang pagtawa niya. Hindi ko tuloy ma-imagine kung gaano kaganda ang mga ngiti niya na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Kung paano siya mas lalong pinapa-gwapo ng mga ngiti niya.

"Did you eat your breakfast, love?" Halatang kagigising pa lang niya dahil sa napaka-husky niyang boses. Mas lalo tuloy akong nahuhulog...

Naglakad ako palabas ng k'warto ko at naupo sa dining area na kung nasaan ang aking pagkain. "Kakain pa lang, love. Mukhang kagigising mo pa lang, ha," masaya kong wika sa kaniya. Pilit ko pang tinatago ang aking kilig kapag nagsasalita.

Bakit feeling ko, sobra ko siyang namiss? Kagabi lang naman kami hindi masyadong nakapag-usap.

"I love you," malambing na wika niya.

Tumalon agad ang puso ko. Palagi ko naman 'yon naririnig sa kaniya pero bakit gusto kong marinig nang paulit-ulit?

Nakagat ko tuloy ang labi ko habang kunyaring pinagmamasdan ang paligid ko na tila nagbakasakaling walang makakita kung paano ako kiligin.

"Isa pa nga," hirit ko.

Tumawa-tawa pa siya sa kabilang linya. "I love you..." Binanggit niya ang bawat letra ng mabagal.

"Alright, ayaw ko na mag-almusal," I said.

"Hey, why?"

"Busog na ako sa I love you mo."

Muli na naman siyang tumawa-tawa sa kabilang linya. Zintony, bakit ka ganiyan? Hindi ko alam kung kinikilig ba siya sa sinabi ko o pinag-ti-tripan niya lang ako.

Pero totoo, ang sarap sa tainga ng pagtawa niya kaya naman napapasabay rin ako sa kaniya.

Maya-maya lang ay lumabas ng kuwarto si ate.

Nang makita ako ay bigla siyang nagulat tila hindi napansin ang presensya ko at malungkot niyang pinagmasdan ang aking mukha.

Hindi ako kumibo. Hinintay ko siyang magsalita.

"You're going to abroad, Yllana. Pack your things. Maliligo lang ako at mag-aayos."

Papasok sana siya ulit sa kwarto niya nang mabilis ko siyang napigilan. "Ate Vanessa? For what? Bakit biglaan naman ata akong aalis?" naguguluhan kong wika sa kaniya.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon