Chapter 44

64 5 14
                                        

Tuloy-tuloy lang sa pagtakbo itong si Warren habang buhat-buhat niya ako. Halata na hindi niya alintana ang bigat ko.

Si Ms. Chu naman ay abala sa pagharang sa mga umaatake sa amin. Hindi naman siya nabibigo na patumbahin isa-isa ang mga kampon ni Luther.

Nakakamangha ang tapang na nakikita ko kay Ms. Chu sa bawat pagtadyak at pag-ilag niya. Ganoon din kay Warren sa pagkuha niya ng bwelo para makasipa at maka-ilag din sa kabila ng bigat ko sa bawat atake ng mga kalaban.

Ramdam ko na pabigat nang pabigat ang paghinga ni Warren. Siguro ay dahil sa lakas ng pwersa na kaniyang naibibigay, isama mo pa ang bigat ko dahil buhat-buhat nga niya ako.

Hindi ko maiwasan mag-alala para kay Zintony. Siya lang kasi mag-isa ang lumalaban kay Luther ngayon na walang kasingsama. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko dahil sa kirot na naramdaman ko.

Baka mapano si Zintony?

Baka mawalan siya ng malay habang nakikipaglaban?

O kaya naman ay baka mapatay siya ni Luther?

"Huwag kang mag-alala, babalikan ka ni Zintony," wika ni Warren sa kabila ng pagtakbo namin. Sumulyap pa siya sa akin saglit.

Tiningnan ko siya sa mata kahit hindi siya diretsong nakatingin sa akin para makita ko kung totoo ba ang sinasabi niya. Hindi  naman ako nakakita ng kahit na ano'ng pangamba sa kaniya para kay Zintony.

Pero hindi ko pa rin maiwasan mag-alala.

Nakarinig kami ng pagsabog mula sa hindi kalayuan sa kinaroronan namin. Sa kabila ng pagtakbo namin ay nagawa pa nitong mapagulong kami sa sahig dahilan para maitapon ako ni Warren dahil na sa lakas ng impact ng pagsabog. Napadapa naman si Ms. Chu habang pinoprotektahan ang kaniyang ulo.

Tumayo ako nang mabilis para bumalik sa lugar ng kinaroroonan ni Zintony. Bagamat binalutan kami ng makapal na usok dahil sa pagsabog. Hindi pa rin ito alintana para unatras ako sa paglalakad kahit hinang-hina na ang katawan ko.

Hindi ko kaya, hindi ko kayang umalis dito nang hindi siya kasama. Hindi ko kayang tiisin na sinusugal niya ang buhay niya nang mag-isa para lang iligtas ako.

Iniwan ko sina Warren at Ms. Chu sa lugar na 'yon at tumuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at pagtakbo kahit patikol-tikol na ako. Hindi ko sigurado kung sino kina Luther at Zintony ang maabutan kong buhay dahil sa sobrang bagal kong maglakad.

Hintayin mo ako, Zintony. Malapit na ako sa'yo. Sasamahan kitang sumugal ng buhay.

Zintony, please huwag mo hahayaan na masaktan ka ni Luther. Mangako ka sa akin na babalik kang buhay para sa akin.

Ilan beses kong kinakausap si Zintony sa isip ko at umaasang maririnig niya ako.

Please, Zintony.

Nasa ikatlong palapag na ako nang may biglang humigit sa aking balikat dahilan para mangibabaw ang kaba at takot sa aking dibdib

"Ano ba ang ginagawa mo, Zhyna!" galit na bungad ni Ms. Chu.

Unti-unti naman humupa ang namuong takot at kaba sa akin.

Akala ko isa na sa mga kampon ni Luther.

"Kanina ka pa namin hinahanap! Ano ba ang ginagawa mo rito! Hindi ligtas dito, Zhyna kaya halika na, itatakas ka na namin dito." Hihilain na sana ni Ms. Chu ang braso ko pero hinawi ko lamang ito sa kaniya.

Napaawang ang kaniyang bibig at huminga nang malalim.

"Ayoko. Kailangan ako ni Zintony." Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad ngunit ito na naman si Ms. Chu, hinila na naman ang braso ko para mapahinto na naman ako.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon