Chapter 16

225 112 44
                                        

Nagising ako sa isang taong panay ang kalabit sa braso ko. Pagkalingon ko, si Diana pala na kasalukuyang nakapantulog pa rin at nakaupo sa tabi ko habang nakangiting nakatingin sa akin.

Paunat-unat pa ng braso akong tumayo sa higaan. Nahagip ng paningin ko ang orasan and it's 6:00 A.M.

"Bakit?" tanong ko habang ang isang mata lamang ang nakamulat.

"Bakit kayo sabay umuwi ni Zintony kagabi? Saan kayo galing? Ang pagkakaalam ko nagpaalam si Zintony sa amin ni Dave kagabi at sinabing may pupuntahan. Ikaw ba ang pinuntahan?" Sunod-sunod na tanong ni Diana habang kumikinang ang mga mata.

Imbis na sagutin ko siya ay humiga na lamang ako ulit. Ngunit mas lalo niya akong kinalabit.

Ikaw ba ang pinuntahan?

Nagpaulit-ulit 'yan sa isip ko habang nakahiga. Gusto kong matawa nang malakas dahil alam ko naman sa sarili kong hindi ako ang dahilan ng pagpunta niya roon. Aksidente lamang na nadaanan niya ako sa lugar na 'yon. Pero, may parte sa sistema ko na gustong umasa na ako nga ang dahilan.

"Zhyna! Ano ba! Pansinin mo naman ako! Gusto ko talaga malaman bakit kayo magkasama ni Zintony!" Pagpupumilit ni Diana habang hindi ako tinitigilang kalabitin. Minsan pa nga niyang inuga ang buo kong katawan habang nakahiga.

"Nililigawan ka na ba niya?" 

Sa gulat ko, mabilis akong napabalikwas sa pagkakahiga habang masama ang tingin ko sa kaniya. "Ano ba'ng sinasabi mo, Diana. Napadaan lang siya sa lugar kung nasaan ako," sabi ko atsaka inis na tumayo sa higaan. Dumiretso ako sa maleta ko para kumuha ng damit. Gusto ko maligo.

Nakaramdam ako ng kaba na may halong inis dahil do'n. 

"Eh, bakit iniluwa kayo sa iisang kotse? Sige nga? Nasaan ang kotse ni Zintony?" Pagdududa niya ngunit may halong nakakalokong tono ang pagtatanong niya.

Bumuntong-hininga pa muna ako, "Nasiraan siya," maikling tugon ko.

Nakita ko kung paano masayang pinadyak-padyak ni Diana ang kanyang dalawang paa sa ere habang nakahiga tila kinikilig. Nagtataka akong napapaisip kung saan banda sa mga sinabi ko ang nakakakilig.

Mabilis din umupo sa kama si Diana. "Zhyna! My goodness! Hindi ko talaga maalis sa isipan ko kung gaano kayo kabagay kagabi sa paningin ko nang lumabas kayong dalawa ni Zintony ng kotse! Shocks! Napabagay. Sobrang bagay." Tsaka pa siya tumingala sa kisame at parang timang namamangha sa naiisip.

"Tumigil-tigil ka nga d'yan." Pagpuputol ko sa kalokohan niya. Akmang papasok na ako sa c.r. nang mabilis na pumasok do'n si Ms. Madel.

"Teka lang, Zhyna, ha, hindi ko na kayang pigilan, e." Hinayaan ko na lamang siyang maglabas ng sama ng loob sa c.r.

Hindi ko inaasahan na babatuhin ako ng unan ni Diana na nagpataas ng kilay ko. "Hindi kayo nag-usap?" sabay tanong niya.

"Nag-usap," mabilis na sabi ko naman atsaka ko pinulot ang unan na nahulog sa sahig.

"Ano pinagusapan niyo?" Kumuha siya ulit ng unan sa tabi tsaka niya yinakap-yakap. Naroon pa rin sa mukha niya ang kilig. Akala ko ibabato niya ulit. Hindi ko na no'n pupulutin.

"Celestial bodies."

"Celestial bodies?" pag-uulit niya sa sinabi ko.

Tumango-tango naman ako bilang pagtugon. "This includes every natural object that is located outside the Earth's atmosphere such as the moon, the sun, an asteroids, planet or stars."

Lumaki ang mga mata niya habang nakaawang ang labi tila hindi makapaniwala. "Really? So, he knows everything about the sky?" pagtatanong niya. Tumango naman ako sa kaniya.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon