Grabe ang mga araw na nagdaan. Napakabigat na naman ng mga trabaho namin ngayon. Walang araw na hindi kami nag-o-over time dahil sa sobrang daming kailangan tapusin.
Ilang linggo na rin kaming hindi nakakapag-usap nang matagal ni Diana dahil sa mga sunod-sunod na trabaho namin.
Pagkatapos kasi ng nangyari 'yon sa amin ay mas naramdaman namin ang importansya ng isa't isa lalo na ang mga priorities namin. Kumbaga mas lalong lumalim ang pagsasamahan naming dalawa.
"Tsk," inis kong tiningnan ang sarili mula sa maliit na salamin na nakapatong sa table ko.
Minsan pa akong napabuntong-hininga sa kadahilanan na hindi na ako nakakapag-ayos ng sarili. Inilugay ko ang nakaipit at magulo kong buhok at naglagay lang ng kaunting foundation at lipstick.
Gusto ko munang kumain ng cup noodles ngayon.
Nakasakay ko sa elevator si Ms. Madel na mukhang pagod na rin mula sa kaniyang trabaho.
"Nakakapagod 'no, Ms. Zhyna," wika niya sa akin nang hindi man ako nilingunan. Narinig ko pa siyang napabuntong-hininga.
"Keep going, Ms. Madel." I cheered her up kahit ang sarili ko ay nakakaramdam na rin ng pagod. Niyukom ko pa ang kamao ko atsaka ko tinaas-baba para ipakita sa kaniya ang suporta ko.
Gano'n na lamang ang pagtawa niya sa akin nang lingunin niya ako. "You look so pale. Mukhang ikaw ang kailangan kong ipag-cheer.-up, Ms. Zhyna." Halata ang pagbibiro sa kaniyang tono.
Pailing-iling naman akong natawa.
Naka-lipstick na nga ako, mukha pa rin akong maputla?
Bumukas ang pinto ng elevator at nagkahiwalay na kami ng landas ni Ms. Madel. Nagpaalam na muna ako kay Ms. Madel bago siya tuluyang lumiko ng daan. Ako naman ay nagdire-diretso sa exit ng building namin.
Naglalakad lang ako ngayon sa daan. May natagpuan akong mas malapit na 7-Eleven. Katapat nito ang isang church na kilala sa mga turista at tagarito. Madalas kasi ay sa Intersection ako nagpupunta.
Nang makarating ako sa convenient store ay kumuha ako ng cup noodles atsaka ng maiinom. Pagkatapos ko bayaran ang mga binili ko sa cashier ay naglakad na ako patungo sa bench at naupo.
Umupo ako sa kaliwang banda na kung saan malapit ako sa wall glass ng store. Kasalukuyan kong nakikita ang bilis ng mga sasakyan sa pag-andar. Ang mga taong naglalakad kasama ang kanilang mga mahal sa buhay na masayang nag-uusap habang patungo sa kanilang pupuntahan. Meron namang iba na nagmamadali sa paglalakad at panay tingin sa kanilang relo.
Mga late siguro 'to.
Habang humihigop ako ng sabaw ng noodles at ang tingin ko ay nasa labas ng store muntik na akong matuluyang mawalan ng hininga nang masilayan ng mga mata ko ang isang lalaking bumaba sa kaniyang kotse.
Napaubo pa ako dahil sa hindi napigilang magkasamid. Mabilis akong uminom ng tubig na kanina kong binili.
Ang sakit sa lalamunan.
Muling kong sinulyapan ang lalaki na kasalukuyan ngayong papasok sa convenient store kung nasaan ako.
Teka! Anong gagawin ko? Saan ako magtatago? 'Yong hindi niya ako makikita!
Pinasadahan ko muna ng tissue ang labi ko at mabilis na tumayo.
"Hey, wazzup." Ganoon na lamang ang gulat ko nang makitang nasa harap ko na pala siya.
May dala-dala na siyang cup noodles na ang flavor ay seafood atsaka Gatorade.
Hindi ako agad nakapagsalita. Nauna ang kabang nararamdaman ko. Nangunguna ang pagkabalisa ko dahil hindi ko alam kung anong itsura ko sa harap niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)
RomanceCOMPLETED | Mag-isa lang sa buhay si Zhyna Xyrille Montejo kaya sanay na siyang makaramdam ng lungkot, masaktan at umiyak nang mag-isa. Kumbaga, bugbog na siya sa hampas ng alon ng buhay. Pero dahil independent siyang babae, pinipilit pa rin niyang...