Chapter 3

645 294 455
                                        

Diana's Point of View

Nawala lang ako ng ilang buwan pero bakit pakiramdam ko mas lalong bumigat ang pinagdadaanan nitong si Zhyna? Ayts!

Hindi ko naman maitatanggi na may mga naikwento na siya sa akin. Kaso kasi parang kulang, parang may itinatago pa siyang malalim na hinanakit at 'yon ang gustong-gusto kong malaman.

Gusto ko sanang ilabas niya lahat ng mga thoughts na naiipon sa isipan niya kagabi. Kasi handa naman akong makinig, handa naman akong samahan siya sa lungkot na nararamdaman niya. Sana lang talaga naipaparamdam ko 'yon sa kaniya.

Lalo kong gustong malaman ang dahilan kung bakit hindi niya tinapos ang movie na pinapanuod namin kagabi. Ang 'The Notebook'. O baka, napa-paranoid lang ako dahil sa pag-aalala sa kaniya?

May naalala ba siya na gusto na niyang kalimutan? Na hindi niya masabi sa akin?

Hinintay ko lahat na masagot 'yan kagabi nang bumalik muli siya sa kuwarto niya.

Pero hindi siya nagsalita.

Hindi siya nagkwento.

At hindi niya ako pinagkatiwalaan.

Bilang kaibigan niya, nararamdaman ko iyon.

Nang makababa ako sa sasakyan at makapasok sa loob ng bahay, sumalubong ang nakangiting si daddy

"My beautiful daughter." Nakangiting bungad sa akin ni dad nang makapasok ako sa loob ng bahay.

I looked at the entire of our home and it is spacious. Bago mo marating ang sala kailangan mo munang maglakad ng tatlong minuto para makarating.  Our staircase is made of marble and granite wherein it positioned malapit sa entrance ng aming bahay and it offers colour and texture in variety.

Niyakap ko si dad. I missed him so much. "Hello to my handsome daddy in the universe!"

Bagama't masaya ko sinalubong si daddy pero hindi ko pa rin nagawang alisin ang lungkot na nararamdaman ko.

Tanaw ko ang mga babasagin na naka-display na vase sa aming kinatatayuan na talagang pinakaingat-ingatan ni daddy dahil mahalaga ang mga ito kay mommy.

Kahapon din ng umaga ay napagsabihan ako ni dad tungkol sa hindi ko pag-inform sa kaniya sa pag-uwi ko dito sa Pilipinas from London.

Todo hingi ako ng sorry sa kaniya tapos todo lambing din at ipinangako na hindi na ulit iyon gagawin. Ang dami pa niyang pangaral sa akin bago ako tinantanan ni dad.

"Anong time work mo? Hindi ka pa ba late, dad?" I added.

"I'm a boss honey, not an employee," pagmamalaki ni Dad.

Hindi mo mapapansin na may edad na daddy ko dahil hindi naaangkop ang kaniyang itsura sa kaniyang edad kaya naman maaari mo pa rin mapagkamalan na binata si dad. Makinis ang kutis, wala pang kulubot sa katawan at higit sa lahat daig pa ang binata sa lakas ng pangangatawan.

That's my daddy!

"Of course, Hindi lang po ako sanay," pilit na ngiti ang ibinigay ko kay daddy.

Kinapa ni dad ang noo at leeg ko.

"Are you sick? Ba't mukha kang matamlay?" tanong niya sa akin nang may pag-aalala.

Umupo ako sa couch at sumandal doon.

"Dad, am I bad? Am I not a trustworthy person?" Kumunot naman agad ang noo ni dad sa tanong ko.

Hindi ko maiwasan na hindi iyon maitanong kay daddy because it confusing me.

"Of course not." Umupo siya sa tabi ko at isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya.

"Why did you ask me, honey? May problema ba?"

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon