Chapter 27

100 30 34
                                        

Kagabi pa lang ay hindi na ako nakatulog ng maayos. Bukod sa makakasama ko si Zintony mamaya ay hindi ko pa rin mabura sa isipan ko ang nangyari kagabi.

Bwiset ka, Zintony!

Napahilamos ako sa sariling mukha. Pilit na binubura ang lahat ng mga nasa isip.

Why he needs to do that?! May pa-please, please pa ang abno.

Tsk! I hate him, I hate him so much... for making me insane.

Nakasimangot akong bumangon sa kama. Naiinis talaga ako, hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin yung panghihina ng mga tuhod ko. Kailangan ko ata ng saklay ngayon. Tsk.

Papunta na sana ako ng banyo para maligo nang marinig kong tumunog ang doorbell ng bahay.

Wala akong ganang lumabas ng kwarto at pinagbuksan ang taong ilan beses pinagpipindot ang doorbell.

"Ano ba! Hindi ka makapaghint-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita ng mga mata ko kung sino ang napaka-gwapong nilalang na'to.

Zintony..

Nakasuot siya ng white long sleeves na polo. Ayon sa nakikita kong tatak , Sunspel ang brand. Isa sa mga mahal na brand, actually. 'Tsaka siya nakapants na maong while wearing a formal shoes na color black.

Bagay na bagay sa kaniya. Ang buhok niyang mahaba na nakaipit ang pinakapaborito kong nakikita, isama ko na rin ang nakakahumali niyang labi na kapag ngumiti? Siguradong babalik-balikan mo, kahit sa isip. Overall, ang kabuuang mukha niya ay ang gusto ko. Char.  

Ang galing talaga niyang manamit. Makikitaan mo talaga siya ng hilig sa fashion.

"Hi." Nag-alinlangan pa siya sa'kin kung ngingiti ba o hindi.

Napataas ang kilay ko. "You're too early."

Ibinaba niya ang tingin sa kabuuan ko. Naroon ang pagtataka niya nang makita niya akong nakapantulog pa rin ang suot. Tumingin siya saglit sa wrist watch niya bago nagsalita, "It almost 8:40 A.M., Zhy."

Lumaki ang mga mata ko sa gulat at tiningnan ng maigi ang kaniyang relo.

Seriously?!

Napapahiya naman akong ngumiti sa kaniya. "Hindi pa ako nakakaligo."

"It's okay, I can wait." Naroon sa kaniya ang lawak ng ngiti.

Pinapasok ko na muna siya sa loob ng bahay at pinaghintay sa sala. Dali-dali naman akong pumasok ng kwarto para mabilis na maligo at mag-ayos ng sarili.

Tsk! Sa sobrang pag-iisip ko sa nangyari kagabi hindi ko namalayan ang oras. Nakakahiya tuloy.

Mahigit isang oras ata akong nag-aayos ng sarili. Natagalan ako sa paghahanap ng damit.

Hindi ko naman talaga ugaling maging prepared sa mga susuotin ko, kumbaga kung ano ang makuha ng kamay ko ay siya na 'yong susuotin ko. Pero ngayon, hindi ko magawang magsuot na lang ng damit ng basta-basta.

Si Zintony ang makakasama ko at ayaw kong magiging simple lang ako sa paningin niya.

May kung ano sa sarili ko ang nagsasabi na kailangan kong maging komportable sa paningin niya, na kailangan kong bumagay sa itsura niya, na kailangan kong agawin ang atensyon niya sa lahat ng oras.

Kaya naman kinuha ko 'yong damit na binili ko sa Iloilo. Hindi ko pa ito nasusuot. It's a plain half shoulder red dress na aabot sa ibabaw ng tuhod ko ang haba ng tela. 'Tsaka lang ako nagsuot ng black stilletos na may 2 inches lang ang taas. Konting make-ups at nakalugay lang ang mahaba kong buhok.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon