Muli kong sinulyapan ang napakagwapong nilalang na kasalukuyang nakahiga ngayon ang ulo sa mga hita ko. Hindi ko maiwasang kabahan sa t'wing malapit siya sa akin. Pakiramdam ko maya-maya lang ay sasabog na itong puso ko dahil sa pagkabog ng dibdib ko.
Imbis na itapon ang sulat na natanggap ko mula kay Luther, I decided na ibalik ito sa bulsa ko at itago. Maaring maging katibayan din ito laban sa kaniya.
Nagulat ako nang biglang magmulat ang kaniyang mga mata dahilan para magtama ang aming paningin.
"You really like to see my face, huh," nakangiti niyang sabi habang ang kaniyang tsokolateng mga mata ay matamang nakatitig sa akin.
I pouted atsaka ko ginalaw ang hinta ko. "Tumayo ka na d'yan. Nangangawit na ako. Bigat ng ulo mo," reklamo ko.
Mabilis din naman siyang tumayo sa pagkakahiga. Pareho na kami ngayong nakasandal ang likuran sa couch. "What's the thing from your pocket?"
Gulat ko siyang nilingon. "Ang alin?"
"That thing..." Sabay turo niya sa bulsa ng jacket ko.
Nangapa ako ng sasabihin sa kaniya ngunit kaba naman ang natagpuan ko. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya ang nakasulat o kahit kanino sa kanila. Ayoko silang mas lalong mag-alala.
"Ah, 'yon ba?" Tsaka ako ngumiti sa kaniya nang pilit. "Contact number. 'Yong guy kasi na nakasalubong namin kanina, nakikipag-textmate sa akin." Clichè man ng palusot ko pero 'yan ang biglang lumabas sa bibig ko.
Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Nakita ko kung paano nagkaroon ng duda sa kaniyang mukha. Napabuntong-hininga naman siya bago nagsalita, "Don't text that freaking guy."
Ako naman ngayon ang kumunot ang noo. Naroon sa mga mata niya ang pagkainis. "And why? He's handsome and he's like a goo-"
"I'm more than handsome, Zhyna," pagpuputol niya sa sinasabi ko. May diin sa kaniyang mga salita tila may pagbabanta. Nahimigan ko rin ang kaniyang pagmamayabang.
"Akala ko rin nga, e," pang-iinis na sabi ko naman.
Umawang naman ang kaniyang labi sa narinig sa akin. Ako naman ay nagpipigil ng tawa dahil sa pinapakita niyang bagong ekspresyon.
"I'm serious, Zhyna. I won't let you to do that. Give me the paper," utos niya pero hindi ako pumayag.
Nilayo ko ang sarili ko sa kaniya mula sa pagkakaupo. Umusog ako nang umusog sa upuan pero gano'n na lang din niya inabot ang sarili ko para makuha lang ang papel sa bulsa ko.
Sa totoo lang, habang iniiwas ko ang sarili ko sa kaniya ay ramdam ko naman ang kaba na baka makuha niya sa akin ang papel at malaman niya ang totoong nakasulat.
Nang mahuli niya ako dahil wala na akong mauusugan sa couch ay ikinulong niya ako sa kaniya mga bisig. Bali ang kaliwang kamay ay nakapatong sa dulo ng couch at ang kabila naman ay nakapatong naman malapit sa tagiliran ko.
Mabilis na naman akong kinabahan hindi na dahil sa takot na mukuha ang papel sa akin kundi dahil na sa sobrang lapit ng sarili niya sa akin. Ang kaniyang mga nakakaakit na mga mata ay malalim na nakatitig sa akin.
Nakita ko kung paano dumapo ang kaniyang tingin sa aking mata pababa sa aking ilong hanggang sa nahinto siyang tumitig sa aking labi na naging dahilan para mapalunok kaming"
pareho.
v,"You're so beautiful..." pabulong na sabi ni Zintony sapat na para marinig at malinaw kong maintindihan.
Maya-maya lang ay napayuko siya habang nananatili ang kaniyang braso sa aking magkabilaang side at mabigat na napabuntong-hininga. Mabagal niyang inalis ang kaniyang sarili at muling binalik ang sarili sa pagkakaupo.
![](https://img.wattpad.com/cover/82814544-288-k362064.jpg)
BINABASA MO ANG
Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)
रोमांसCOMPLETED | Mag-isa lang sa buhay si Zhyna Xyrille Montejo kaya sanay na siyang makaramdam ng lungkot, masaktan at umiyak nang mag-isa. Kumbaga, bugbog na siya sa hampas ng alon ng buhay. Pero dahil independent siyang babae, pinipilit pa rin niyang...