Diana's Point of View
Mabilis din kaming nakarating dito sa Angeles. Nasa sasakyan pa lang ako ay iniisip ko na kung ano ang magiging reaction ni Zhyna.
"Surprise!' masayang sabi ko kay Zhyna nang makarating kami.
Si Dave naman ay nakita kong nakapulsang naglalakad sa likuran namin at pinagmamasdan ang saya na nararamdaman namin.
"Wow," dinig kong wika ni Zhyna habang namamangha sa lugar na pinuntahan namin ngayon.
Nandito kami ngayon sa isang resort na pagmamay-ari raw ng best friend ni Dave. Actually, si Dave ang may pakana ng pagpunta namin dito dahil gusto niya akong tulungan na mapagaan ang pakiramdam ni Zhyna.
Minsan na akong nakapunta rito ngunit hindi ko pa rin maiwasang mamangha kung paano ito kaganda at kalawak!
Kahit gabi na ay makikita mo pa rin ang kabuuan nito dahil sa nagliliwanag na mga ilaw na mas lalong nagbibigay ng ganda sa paligid.
Mayroong napakadaming magagarang kubo ang nakapalibot sa lugar, tapos mayroon ding mga mamahaling batong hagdan na 'yon ang tangi mo lang dadaanan. May pababang hagdan at may pataas na hagdan na may kaniya-kaniyang direksyon at disenyo ng pagkakagawa na tila sinadya talaga para mas maging maganda ang lugar.
Mayroon din iba't ibang laki ng mga bato na nakadisplay sa paligid. Ang lugar ay pinalilibutan din ng mga magagandang halaman at mga bulaklak na mas lalong nagpapaganda sa lugar. Sabi ni Dave sa pinakababa ng resort nandoon ang mga tinatawag na hot springs.
Nagpunta kami sa isang kakaibang village na nakatayo rito. Sa lahat ng village, ito ang bukod tangi sa lahat. Ilang hagdan pa muna ang inakyat namin para makarating dito. Pagpasok mo ay sasalubong ang mahabang lamesa na gawa sa kahoy at ang mga bilog na upuan na nakapalibot sa lamesa. Marami ring mga magagandang kagamitan ang naririto.
Si Zhyna naman ay mabilis na pumunta sa balkonahe at sinalubong ang simoy ng hangin na ibinibigay ng kalikasan.
Ganoon na lang din ang pagkamangha ko nang makita mula dito sa balkonahe ang kabuuang ganda ng lugar.
This is amazing!
Binangga ko ang katawan ng babe ko. "Ganda pa rin dito!" Nagpipigil na kilig na sabi ko kay Dave.
"Mas maganda ka." Tsaka niya ako hinalikan sa noo.
Aba! Mabilis ka pare, ha!
"Zhyna? What do you think?" Na kay Zhyna na ngayon ang paningin ni Dave.
"Thank you." Halata sa boses ni Zhyna ang sinsiridad sa pagbanggit niya sa dalawang salitang 'yon. Halata rin ang kasiyahan niya nang lingunin niya kami at ibinaling ang atensyon sa paligid para mas lalo itong pagmasdan.
"Nasaan bayad mo?" wika ko kay Zhyna at inilahad ang palad ko. Nagpipigil naman ako ng tawa habang pinagmamasdan siya.
"Utang muna." Tsaka kami nagsitawanang lahat.
Ngayon ko na lang ulit narinig na tumawa ng gano'n si Zhyna. 'Yong tawang walang halong bigat ng nararamdaman. 'Yong tawang masaya at tawang walang halong pagpapanggap.
Kaming tatlo ngayon ay nandito sa balkonahe at sabay-sabay na pinagmamasdan ang napaka-preskong lugar. Everything is greeny. I like the leaves on how it dancing through the wind. It's refreshing and relaxing.
"Who owned this place?" tanong ni Zhyna. Sumulyap pa muna siya sa amin bago ulit ibinalik ang atensyon sa paligid.
"Wow ha! Nakapunta lang sa ganitong magandang lugar nag-english na." Humalakhak ako nang tawa dahil sa sinabi ko.

BINABASA MO ANG
Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)
RomanceCOMPLETED | Mag-isa lang sa buhay si Zhyna Xyrille Montejo kaya sanay na siyang makaramdam ng lungkot, masaktan at umiyak nang mag-isa. Kumbaga, bugbog na siya sa hampas ng alon ng buhay. Pero dahil independent siyang babae, pinipilit pa rin niyang...