Chapter 14

266 144 59
                                        

Bagamat maraming ginagawa ang lahat dahil sa kaniya-kaniyang trabaho, palubog na rin ang araw at hindi pa namin nakikita si Dave. Buhat kasi kanina ay hindi namin maramdaman ang presensya niya, ni miski nga ang anino niya ay hindi namin din nakita. Si Diana ay nag-aalala na tuloy sa kaniya.

"Zhy, I can't find Dave," malungkot na wika sa akin ni Diana. Tiningnan ko naman siya nang may pag-aalala.

Mukhang kanina niya pa hinahanap si Dave David ng buhay niya.

"Even his car wala sa parking lot," naiiyak na dagdag niya.

Magsasalita na sana ako para alalayan siya kaso mabilis siyang tumakbo palayo sa akin at ibinabaling ang sariling paningin sa paligid.

Hinahanap niya ulit si Dave.

Nagbigay na lang ako ng mabigat na buntong-hininga.

Matapos ang mahabang oras ng trabaho, napagdesisyunan na namin na ituloy na lamang ito bukas.

Maglalakad na sana ako para hanapin si Diana nang marinig ko ang phone ko na mag-ring.

Hindi nakarehistro ang numero.

Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko or babalewalain iyon baka kasi mamaya prank call lang or kaya naman ay scam. Pero sa huli ay pinili kong sagutin ang tawag ngunit naka-ilang hello na ako ay wala man lang sumasagot sa kabilang linya.

Kumunot tuloy ang noo ko bago ko 'to ibinaba pero muli itong tumunog sa parehong numero kanina.

"Hello," mahinang tugon ko. Nasa tono na ng boses ko ang pagod.

"Zhyna." Ganoon na lamang kabilis tumibok ang puso ko nang malaman ko kung kanino boses ang nagsalita.

"Zintony?" Pinigilan kong mautal sa pagbanggit ng pangalan niya.

Narinig kong bumuntong-hininga siya sa kabilang linya. "Are you with Diana?"

"I am currently looking for her." Bagamat nananatili sa mabilis na pagtibok ang puso ko ay ipinarinig ko sa kaniya na wala akong interest makipag-usap ng matagal dahil sa pagod.

"Come back to the hotel, it's almost late at night."

Mas lalong nagwawala ngayon ang puso ko dahil sa tono ng pag-aalala niya. Ang lalim ng boses niya. Ang lakas ng dating ng boses siya sa phone na talaga namang mawawala ka sa katinuan.

"O-ok." Hindi ko na naitago ang pagkautal ko.

Tiningnan ko ang wrist watch ko and it's almost eight o'clock in the evening.

I do not know why Zintony called me and said those such words.

Nakakabaliw ang boses niya sa phone.

Minabuti ko na lamang na huwag bigyan ng malisya ang tono ng pananalita niya kanina, kaya naman ibinaling ko na lamang ang atensyon ko sa paghahanap kay Diana.

Abala man ako sa paghahanap kay Diana pero ilan beses din pumapasok sa isip ko si Zintony. Ilan beses ko rin hinawakan ang dibdib ko dahil sa sobrang pagpintig nito. Nababaliw na ata ako. 

I found her! Nakayuko siyang naglalakad sa gawi ko.

"Diana!" sigaw sa pangalan niya.

Napatigil siya sa paglalakad. Iniangat naman niya ang kaniya ulo at nakita ko kung paano siya kalungkot ngayon. "I didn't found him, Zhy."

"Baka bumalik na sa hotel," sabi ko kay Diana nang matagpuan ko siya at kasalukuyan pa rin hinahanap ang bakas ng isang Dave David ng buhay niya.

"Hindi 'yon babalik ng hindi ako kasama, Zhy."

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon